Part 1:Sayang na Pag-ibig

151 0 0
                                    

Part 1:Sayang na Pag-ibig

Ang pagmamahal ay may dalawang mukha; ang nagmamahal at minamahal. Karaniwan, tayo ay nagbibigay ng ating pagmamahal sa iba. Halos lahat na ng ating oras at atensyon ay nailalaan sa bagay na iyon. Kaya paminsan-minsan ang iba sa atin ay naghahangad na mahalin kapalit ng binibigay nilang pag-ibig. Ngunit ang pag-asang ito ay nakapagdudulot pa ng pighati at kasawian sa atin.

Chapter I: Sinagip niya ako

May isang grupo ng mga kababaihan kasama ang ilang lalaki na naliligo sa isang talon. Masayang-masaya sila habang nagtatalunan at naglalanguyan sa tubig. May isa pa nga na inihahagis sa tubig habang hawak-hawak ang kanyang paa't kamay ng mga kasamahan. Maya-maya'y ang babaeng iyon ay pinulikat at dahil sa kalaliman ng tubig ay mistulang nalunod. Buti na lang isa sa mga kalalakihan na kasama nila'y sinagip ang babae. Tiningnan ng lalaki kung ang babae'y humihinga, kinabahan ang mga nandodoon sapagkat ito'y di na gumagalaw. Binigyan ng lalaki ng CPR ang babae ngunit hindi ito umepekto. Saktong ima-mouth to mouth resuscitation ng lalaki ang biktima ay bunulwak ang tubig sa bibig nito sabay nagkaroon ng malay.

Tuwang-tuwa ang mga kaibigan ng babae at lumapit ang mga ito sa biktima. Binuwat naman ng mga kalalakihan ang sumagip sa babae at pinarangalan na parang bayani. Maya-maya'y tumayo ang babae at nagsalita, "Ummm... thank you nga pala sa....". "Ay naku ... wala yun" sagot ng lalaki. "salamat sa pagligtas mo sa akin.." sabay yakap sa lalaki. Nagtilian ang mga babae habang ang mga lalaki nama'y kinantsawan ang lalaking sumagip. Dahil sa sakunang naganap napagdesisyunan nila na umalis na sa lugar dahil baka may sumunod pa sa babaeng muntik nang malunod. Marami nga ang nanghihinayang dahil may iisang oras pa lamang silang nandodoon.

Chapter 2- Terror Teacher

Masayang nagkukuwentuhan ang mga magkakaklasenng sumama sa paliligo sa talon. Mababakas sa kanila ang kasiyahan na may bahid ng panghihinayang dahil hindi sila masyadong nagtagal doon. Maya-maya'y dumating ang babaeng muntik nang malunod, kinamusta niya ang kanyang mga kaibigan at sinabi niya na ayos na siya. Ang pangalan ng babaeng iyon ay si Janine Claire Sevilla at sa kasalukuyan ay nasa kalagitnaan ng ikatlong taon sa highschool.

Dumating na ang kanilang teacher sa Values Education na kanila ring adviser. Binati niya ang mga estudyante at malugod namang sumagot ang mga bata. Tulad ng dati nagsermon na naman ito na parang isang pari sa mga estudyanteng mabababa ang marka, pinuna rin niya ang mga batang laging nahuhuli sa klase. "Naisipan ko na dapat pagmultahin ang kung sino mang estudyanteng malalate sa aking klase. Sapagkat kaming mga guro ay bawas sa aming suweldo kada huli namin sa pagpasok." sabi niya.

Nagtanong ang isang mag-aaral, "Pero Mam, saan po natin gagamitin ang nakolektang multa?". "Ilalaan natin ito sa pagpapaganda ng ating klasrum"

"Eh, baka naman ipupuhunan na naman niya yan sa kanyang siomai business sa school..,m" pabulong na sabi ng isang estudyante.

Speaking of late sa mga klase, dumating na hingal na hingal ang isang lalaking mag-aaral at alam niyang huli na siya ng 15 minuto. "O!, naito ang buena mano ng ating alituntunin." Ipinaliwanag ng guro ang sinabi niya kanina sa na-late, wala nang nagawa ang estudyante kaya sumunod na lang ito. Ang lalaking ito ay si Keith Arjon Llanes, siya ang sumagip sa babaeng muntik nang malunod sa outing. Pinasaringan rin ng kanilang guro ang mga batang laging nagkakalat at nag-iingay sa klasrum. "Ano ba yan..,,, Nagtatalumpati na naman si madam ng pagkahaba-haba." sabi ng isang nababagot. Habang nagtatatalak ang kanilang titser sa unahan ay parang naistak na bentilador ang mga mata ni Janine sa katititig kay Keith. Napagod na rin sa wakas sa kaiiimik ang kanilang guro kaya napagdesisyunan nito na kuhain ang attendance, "Ruz, naito ba?". "Opo!", may sumagot. "Sales?!".."Naito po". "Sevilla???". Walang sumasagot kaya inulit ng guro ang apelyido hanggang sa nakita niyang nakatititig sa kawalan ang estudyante. "Sevilla!!!! Tilig ka na naman, Sino ba ang tinititigan mo?" sigaw ng guro. "Wala po mam...," Tinukso si Janine ng mga kaibigan at sinabi nila na nakatitig ito sa gwapong si Keith. "Hindi. Ah! Napapaisip lang ako.", depensa niya. Lalo pa syang tinukso nang mag-blush ang kanyang mukha na parang hinog na kamatis.

My Highschool DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon