Part 2: Karibal 101: My Bestfriend

61 1 0
                                    

Part 2: Karibal 101: My Bestfriend

Chapter 1

          Malapit nang gumabi ay namimili pa rin ng cake na pwedeng ipangsurprise si Natalya kasama ang ilan niyang kaeskwela. Ito'y dahil bukas ang b-day ng bestfriend niyang si Ronicka. Nagbalak sila na supresahin ang may kaarawan pagpasok pa lang nito. Balak pa nga nilang bumili ng mga lobo at kung ano-ano pang pa-ekek para lang mapasaya ang kaibigan ngunit wala na silang pera para doon.

             Sa huli, napili nila ang katakam-takam na yema cake at bumili pa sila ng kandilang hugis no. 1 at no. 4, ang edad ni Ronicka. Inihabilin muna ang cake sa bestfriend niyang si Natalya. Kinabukasan, natuloy ang nasabing surpresa at galak na galak ang b-day girl. Isang heart-warming na "thank you" ang iginanti ni Ronicka sa mga nagabala para matuloy ang surprise. Syempre, di niya malilimutan ang bestie niyang si Natalya na binigyan niya ng bear hug.

             Iyan ang samahan ng mag-bestfriend na si Natalya at Ronicka. Mag-bff forever na sila mula Grade 5 hanggang sa kasalukuyan bilang Grade 8. Pero ang sweet bond na iyon ay masisira sa pagdating ng isang lalaki , si Eric Von Serrano o mas kilala sa nickname na "Von".

       Halika at ating silipin ang diary ni Natalya Enriquez ang storyteller ng kwentong ito.

Chapter 2 – 1st day

       Lunes na..... first day ng class namin bilang Grade 8. Ang saya-saya.. yung mga friends mo na nahiwalay sa iyo for a couple of months ay nakita mo na rin. At syempre masaya ako at muli kaming magkikita ng bestie kong si Ricka. In fairness.., Puro mukha ng mga dating mag-aaral sa school lang ang aking napapansin. Pero nang bumaling ako sa kanan, may nakita akong bagong salta. Medyo may hitsura siya at napansin din niya ako. Nang pumasok kami roon nalaman ko na kaklase ko pala siya. Siya lang ang transferee noon kaya nag-introduce siya at ang name niya ay Eric Von Serrano.

              Katabi ko noon si bestie at pabulong kong sinasabi sa kanya ang kilig na nararamdaman ko. "Pogi nga siya friend.... sayang di natin nakatabi.". Ang naisagot niya. Naputol lang ang aming usapan nang magsimula nang mag-discuss ang sir namin..

            Then sumapit ang favorite kong period, ang recess. Nakakainis lang sa canteen, ang daming napila't nabili. Siguro ganyan talaga pag-1st day of class, maraming baon. Nagbili na lang kami  ni Bestie ng siopao at Coke, di kasi siksikan sa parteng iyon. Ang hirap kasing sumingit halo-halo na ang mga pabango at talagang nakakasulasok sa ilong. At isa pang bagay na nakakaasar, wala nang bakanteng upuan at mesa. At eto kami, kasama ng ilan kong kaklase Standing Ovation o siguro mas magandang itawag ay Plate Buffet. Sa sobrang kamalasan, nabangga ako ng isang malikot na student at nalaglag ang kinakain kong siopao... Kainis! sa dami ng mga tao ay di ko na nakilala pa ang salarin. "Bestie pahawak muna ng inumin ko... bibili na naman ako ng pagkain" sabi ko sa kanya. Kaunti na ang mga taong nabili sa canteen at hinding-hindi na ako bibili ng siopao..... crackers na lang o di kaya'y biscuit. Nang pumila ako namalayan kong nasa unahan ko pala si Von! Lumingon siya at nagsabi, "Mauna ka na.." Napakagentleman niya! So nagforward ako at nakabili kaagad. Pumunta ako kay Ronicka at kinuwento ang munting kabayanihan ni Von. Napangiti lang siya at binigay niya ang bote ng Coke ko.

My Highschool DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon