Part 5: Mahal ko ang Kapwa Ko (Lalaki?)

87 1 3
                                    

Chapter 1- Si Jomel

Mag-aalas kwatro na ng hapon, hinihintay ng mga estudyante ang pagbatingaw ng bell na magiging hudyat ng pagtatapos ng kanilang klase. Saktong magbibigay ng gawaing-bahay ang guro, pero huli na ang lahat. Nagsigawan ang mga estudyante at sabay nagpaalam sa kanilang teacher. Kabilang sa mga mag-aaral na iyon ay si Jose Mikael Lopez o mas kilala sa palayaw na Jomel. Siya ay nasa unang taon ng sekundarya, mabait, masipag at palakaibigan. Bago siya umuwi ay nakasanayan na niyang mamasyal kasama ang kanyang mga kaibigan. Pero nang inalok siya ay tumaggi siyang sumama, ayon sa kanya, bilin daw ng magulang niya ay huwag magpagabi sa pag-uwi sapagkat magsasalo-salo sila dahil kaarawan ng kanyang kapatid.

              "Nanay...Nay... Naito na po ako." sabi niya habang kumakatok sa pintuan. Pinapasok siya ng ina sabay halik sa pisngi, "Tara anak, umupo ka na at kumain." Habang sila'y nakain nagbukas ng usapan ang kanyang ama, "Jomel, di ba malapit na ang inyong bakasyon?" Sumagot siya, "Opo, Tay kukuhain ko na po iyong card ko.." "Alam mo ba iyong Junior Scouts Department iyong nasa may kalapit ng Taekwondo school?" "Opo, Bakit?" sagot niya. "Inaalok kasi ako ng kumpare kong Scout Master.. si Frederick, may camping at outdoor activities silang gaganapin ngayong bakasyon, eh wala ka na rin lang gawain... sumama ka na." sabi ng tatay niya.

               Biglang umubo si Jomel at animo'y nabibilaukan, kumuha siya ng tubig at nagwika, "Ahmmm... tay balak po naming magtinda ng mga kaklase ko ng cupcakes at saka souvenir na mugs, alam mo naman dagsain ang ating lugar ng mga turista." Sumagot ang ama niya, "Ay naku,... Pambabaeng gawa yan, sa scoting marami kang matututunan." "Tay.,,, hayaan mo na ang anak mo.." sabat ng kanyang ina. "Sige po tay, para sa inyo sasama na ako." "Iyan ang anak ko ..." tuwang-tuwa ang ama ni Jomel dahil napapayag niyang sumama ito sa scouting. Bata pa lang si Jomel ay alam na niya na siya'y pusong babae. Pilit lamang niya itong kinikimkim at itinatago dahil alam niya na hindi siya tatanggapin ng kanyang pamilya, mga kaibigan at ng lipunan. Noong unang pasok niya bilang highschool student nahulog ang kanyang loob sa kaklase niyang lalaki na si Marco Reyes. Upang mapalapit dito ay nakipagkaibigan siya. At Gayun na nga, nagi silang malapit na kaibigan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Highschool DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon