Part 3- Maghihintay ako....

55 0 0
                                    

Part 3- Maghihintay ako....

Chapter 1- Ice cream

            Walang pasok sa eskwela si Janna Resureccion at nagdesisyon siyang mag-fb para malibang. Tulad ng dati, lagi niyang tinitingnan kung inaccept na siya ng kanyang crush na si Oliver Kyle Zatarain. Nawawala ang kanyang pagkabagot sa tuwing tinitingnan niya ang mga photos ng guwapo niyang kaklase. "Hay.., ang gwapo talaga niya..." sabi ni Janna sa sarili. "Ay naku, Janna! Hanggang ngayon ba naman ay  hindi ka pa titigil sa katitingin sa mga picture ni Oliver?" sabi ni Charlotte Rojo, matalik niyang kaibigan at kaklase rin niya. "Ang kapal mo naman, kahit papaano naman ay may kaunti akong kagandahan ay ikaw....." sagot ni Janna. "Tara na, maglog-out ka na.." wika ni Charlotte. "Mamaya na , nakakaboring wala naman tayong gagawin" sagot niya. "Anong walang gagawin..? Ililibre kita sa 7-eleven." Dagliang napatayo si Janna at pinatay ang ginagamit niyang computer, nagpunta na ang dalawa sa nasabing convenience store at doon kumain at nagpalamig.

           Ang sarap talaga ng Ice Cream dito, walang kaparis at......" naputol ang sasabihin sana ni Janna nang may mag-syotang tumabi sa mesang kanilang kinakainan. Nag-share sila sa isang cone ng Chocolate Ice cream. "At ang sweet.." dugtong ni Charlotte. Napatilig sandali si Janna habang iniisip na siya yung girl at si Oliver yung boy. Iniimagine niya na ganoon ka-close ang kanilang mukha habang sweet na sweet na pinagsasaluhan ang malamig na ice cream. Nang magkaroon ng amos ang babae ay malambing na pinahid ng lalaki ang tissue paper para matanggal ito. Natauhan si Janna sa animo'y panaginip nang maramdamang umaagos na sa kanyang kamay ang tunaw na ice cream. "Hoy Janna! Tara na.. Ang tagal mo namang kumain." sigaw ni Charlotte sa katabi. Umalis ang dalawa at patungo sana sila sa bahay ng kaibigan rin nilang si Gely nang maalala ni Janna na may project sila na isusulit bukas. "Hahhahaa... Kahapon pa ako tapos dun.. Ikaw kasi walang inatupag kundi Fb.." sabi ni Charlotte. Iniwan ni Janna ang kaibigan at bumalik siya sa Internet café para mag-research ng project nila sa Science.

Chapter 2 - Awkward Moment

Kriiinggg... tumunog ng pagkalakas-lakas ang alarm na halos bumulabog sa buong kabahayan. Pinatay ito ni Janna at kahit ayaw pa ng katawang umangat sa kama ay pilit niyang itinayo ang sarili sabay kusot sa kanyang mga mata. 6:15 am na noon at 15 minutes na lang at simula na ng kanilang klase. Naghanda siya sa pagpasok at dumating siya 6:40 am, saktong kadarating lang ng guro niya kaya pinapasok pa siya. Sinabi ng guro nila sa Science na ipasa na ang mga proyekto dahil mawawala siya mamayang hapon sapagkat may pupuntahan daw ito. "Hindi ko na tatanggapin ang magpapasa bukas dahil alam nyo namang deadline na nyan...". Tiningnan ni Janna ang bag niya at natuklasang naiwanan niya ito sa kanyang kuwarto. Kung babalikan naman niya ito ay hindi siya papayagang lumabas. "Janna, pakipasa nga nito sa unahan.." sabi ng kaklase niya sa likod habang ibinibigay ang project. Naiinis siya dahil parang ipinapamukha pa sa kanya na nassan yung sa kanya at bakit di pa niya ipinapasa. Nag-usisa ang guro at tinanong kung sino pa ang hindi nagpapasa o di kaya'y nakalimutang dalhin ag proyekto. Hindi na siya nagkaila at itinaas niya ang kanyang kamay. Napansin niya na si Oliver ay hindi rin nakapagpasa at nawala ang pagkainis niya nang malaman ito. "O, sige. Pwede pa kayong magpasa mamaya... Pumasok lang kayo sa Faculty room at ibigay kay Mrs. Altez. 2:30 pm kayo pumunta dahil vacant siya sa mga oras na iyon." sabi ng guro nilang si Mrs. Garcia.

              Pagkatapos ng period nila, lumapit si Oliver kay Janna, "Uy, sabay na tayo magpasa mamaya.". Tumango na lang si Janna bilang pagsangayon. Napaisip si Janna, "... May advantage rin na naman pala ang pagkakaiwan ko sa project,.. sana maiwanan ko lagi ang .." naputol ang pagiisip niya nang tumunog ang bell.

             Kinahapunan nang sumapit ang kanilang recess ay nagtungo na ang dalawa sa faculty room. Nakita nila na nasa loob si Gng. Altez at napansin nilang di maganda ang mood nito. Kinabahan sila at nagturuan kung sino ang pagpasok sa loob upang magpasa. "Uy,... Oliver ikaw na ang pumasok.." "Hindi, ikaw na lang kaya" "Bakit Ako? Ikaw na.." "Aba, di puwede , ikaw na...". Sa katutulak sa kanilang project ay nalaglag ito at nangalat ang mga papel sa sahig. Sabay na yumuko ang dalawa upang kuhain ang isang pirasong papel at ... nadampot nila ito ng sabay at dahil doon ay nagkahawak sila ng kamay. Daglian na lang itong kinuha ni Janna na pilit itinatago ang nararamdaman. "Ikaw kasi eh.. pinagtutulakan mo.. tuloy kumalat na sa sahig." wika niya. "O sige.. sige, ako na lang magpapasa, pasensiya ka na ha.." sabi ni Oliver.

              Habang nasa labas si Janna, may isang babaeng dumating. Matangkad siya, maputi at hamak na mas maganda kaysa sa kanya. 4th year na rin ito at nasa higher section pa, siya si Sheryl Diaz. Nang lumabas si Oliver ay nag-usap kaagad ang dalwa, "Uy, ba't ang tagal mo.." sabi ni Sheryl. "Sorry beh.., Nagpasa kasi ako ng project namin, tara gutom na nga ako eh.." sabay akbay sa dalaga. "Uhm.. siya nga pala beh, siya si Janna kaklase ko." pagpapakilala niya. Nag-Hi si Sheryll kay Janna at binati pa ito. Tinugon na lamang ito ni Janna sa pamamagitan ng isang ngiti. Umalis na ang dalawa at naiwan siya sa lugar na iyon na parang shock na shock. Di niya mapigilan ang kakaibang pakiramdam, nanghihina at parang nawalan na siya ng gana mag-recess. Habang naglalakad tinanong niya ang kanyang sarili, "Ano naman ang aking ikakaselos.. eh, di ko naman siya...". Pilit niyang binubura sa isipan ang mga naganap at ipinagpalagay niyang walang nangyari. Hindi na siya pumunta sa canteen at tumungo na sa kanilang room upang mapagisa.

My Highschool DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon