Part 5: Hindi Tayo Puwede!

39 0 0
                                    

Chapter 1- Highschool Box

Pumunta si Gelliane sa kanilang attic upang kuhain ang natitira pa niyang gamit mula noong highschool hanggang college. Ito'y dahil lilipat na sila ng kanyang asawang si Joaquin sa kanilang bagong bahay sa Q.C. Alam ni Gelliane na mahirap iwan ang tahanan kung saan siya lumaki, nagkaisip at nakabuo ng masasayang alaala kasama ang kanyang mga magulang. Mas stable kasi roon ang trabaho ng kanyang mister at saka panahon na rin na bumuo sila ng sarili nilang pamilya. Pag-akyat niya sa taas ay napasigaw siya dahil may bumungad na ipis sa kanyang harapan. "Ge,, ayos ka lang...?" tanong ng kanyang asawa na paakyat na sana ngunit sinabihan siya ni Gelliane na ok na siya. "Sige na beh, ipagpatuloy mo lang ang pagbubuhat ng mga kahon..." Dahil ilang buwan na ring di nalilinis silid, punong-puno na ito ng mga sapot at alikabok. Tinakpan na lamang ni Gelliane ang kanyang ilong at bibig para di malanghap ang mga ito hanggang sa may natisod siyang kahon sa harapan niya. Nakasulat sa ibabaw ng kahon ang mga salitang "H.S Batch 2013-2014" at ito nga ang hinahanap niya. Binuksan niya ito at nakita ang kanilang yearbook, mga dati niyang notebook at ilan pang item. Pero ang pumukaw sa kanyang pansin ay ang isang photo album ng mga natatanging picture niya ng mga kaklase, kaibigan, crush at first love niya. Ang isa pa ay ang isang makapal na notebook na sari-sari ang nakadikit tulad ng mga lumang butones, sequins at maliliit na beads . Kahit may alikabok na ito ay kumikinang pa rin ang mga glitters na nakalagay sa palibot ng pamagat na "Gelliane's Diary". Napapangiti si Gelliane at medyo natatawa sa art na ginawa niya noon. Binuhat niya ang kahon at dinala sa kinaroroonan ng kanyang asawa. "Beh, halika may ipapakita ako sayo.." "Ano yun?,,." tugon ni Joaquin "May nahalukay kasi ako sa taas..., photo album at saka diary ko nung highschool.." sabi ni Gelliane. "Hahaha!!! Ganda ng cover ah. recycle!" "Kung makatawa ka naman dyan.... maganda naman ah.. pinag-effortan ko kaya yan.." sabi ni Gelliane. "joke lng.. kaw naman". Binuksan ni Joaquin ang album at pinipigil niya ang pagtawa dahil sa mga wacky pictures nina Gelliane kasama ang mga friends nito. Opposite naman ang nararamdaman ni babae, pumatak na lang bigla ang luha mula sa mga mata niya. "O,, Ge, Bakit?" paconcern na tanong ni mister. "Wala... Wala,, memorable lang kasi yan at saka namimiss ko na yung time na..." Hinalikan siya ni Joaquin upang mawala ang lungkot niya. "Huwag kang mag-alala,, gagawa rin tayo ng magagandang memories kasama ng magigi nating pamilya" "Ummm,... may pinahihiwatig ka na naman, dalhi mo na nga lang yang kahon sa baba, susunod na lang ako.." wika ni Gelliane. Umalis na ang mister niya at naiwan siya sa taas. Binuksan niya ang diary at nagsimulang magbasa...... Wait for the next chapter

 

 

My Highschool DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon