CHAPTER -5- (Selene's Past)

73 2 2
                                    

Selene's P.O.V.

Nasa gitna kami ng klase ng biglang..

"What the hell!" Napamura ako sa sobrang gulat ng magvibrate ang phone ko.

Malakas yata pagkakasabi ko kaya lahat ng atensyon ay napunta na saakin.

"Ms. Tomlinson, is there any problem?" Tanong saakin ni Mam. Ayan na nga ba sinasabi ko, nagsitinginan silang lahat saakin.

-_____________-

"Ma'am, can I excuse for a while? I have to answer the call" Sabi ko.

Lumabas na ako kaagad ng room. Di ko na hinintay pa ang sasabihin ni Ma'am, tuloy tuloy kasi ung pagvibrate.

I looked at the screen of my phone to see who's calling and its my Dad

I answered it

"What?" Bored na sabi ko.

[Hija, tomorrow night is the welcome back party of Jelanie's twin, at Weasley's mansion. You have to go. Dahil kung hindi mapapahiya ako. You know how important our company was at marami akong business partners doon. Sophia and Margarette will come too.] Sabi ni Dad.

Kahit kailan talaga, mas importante pa ang business kaysa sa nararamdaman ko. Shit lang ha!

"Dad! I don't want to go!" Inis na sabi ko kay Daddy

[You will.] Ma awtoridad na sabi ni Dad. [Sa ayaw at sa gusto mo, you have to go. Matagal naman ng nangyare yun. Move-on Carmilla! I'll call Margarette and Sophia to fetch you there in our mansion tomorrow night. No more but's swettie. Bye]

*toot* *toot*

Napatigil ako sa sinabi ni Dad. Tama sya, matagal na yun. I need to face him. I need to prove to him na hindi sya kawalan. Kaylangan kong ipakita sakanya na hindi na ako nasasaktan kahit deep inside...ang sakit sakit pa rin

Pagka end, bigla nalang tumulo ung mga luha ko. Pinunasan ko kaagad pero makulit eh ayaw parin tumigil kaya tumakbo na kaagad ako patungong CR at nagkulong sa loob ng isang cubicle. Tuwing naaalala ko ung taong nang-iwan saakin sa ere, hindi ko mapigilang umiyak. I really really love him, but he just left me.

Naalala ko nanaman ung time na nag promise sya saakin,pero di naman nya tinupad.

...

Flashback

Andito kami ngayon sa isang park malapit sa subdivision. Sa likod kasi ng park na to, may mahabang lake at maraming puno. Hapon hapon dito kami tumatambay.

Nakaupo kami dito sa damuhan ngayon ng bigla akong mapatanong

"Hindi mo ako iiwan diba?" I asked him.

"Oo naman, Promise" He said to me.

...

Promises are ment to be broken...

He left me without any reasons...

Magkababata kami ni Clenz, he's Jelanie's twin. Araw-araw kaming naglalaro, nagkwekwentuhan, nagtatawanan. I even treated him more than bestfriends, tinuring ko na din sya na para bang tunay na kapatid. But 4 years ago he left me. Iniwan nya ako ng basta basta. Iniwan nya ako ng walang pasabi kung saan sya pupunta. Sa loob ng 4 years na yon puro pasakit lang ang naranasan ko. Gabi gabi akong umiiyak. Umasa ako na babalik pa sya, na babalikan pa nya ako. Pero umasa ako sa WALA

Tapos ngayon, kung kailan handa na ako mag move-on, saka naman sya babalik.

Kailangan kong magpaka tatag. Dapat ipakita ko na hindi na ako ung Selene na dati nyang kilala. Ipaparamdam ko sakanya kung gaano kasakit ang maiwanan.

Nang maramdaman kong okay na ako, lumabas na ako ng CR. Habang naglalakad ako, nagvibrate nanaman phone ko someones calling again and its Sophia.

I answered it.

"Hello?" Matamlay na sabi ko.

Pero kailangan kong magpaka jolly, baka mahalata nila na may problema ako.

[Where are you? Tapos na ang klase pero your not yet here. Sunod ka nalang sa parking.] Sabi nya

"Okay." Walang ganang sagot ko.

Uwian na pala, di ko man lang namalayan. Pesteng luha kasi yun eh! Naglakad na ako papuntang parking.

..

Sophia's P.O.V.

Naglelecture ung prof namin ng may biglang nagring na phone. Kay Selene pala. Lumabas siya, someones calling her kasi...

After 30 minutes,

"Class dismised." Sabi ni Mam.

Finally! Tapos na din ang araw na ito. Pero bakit hindi pa rin bumabalik si Selene? Masyado naman yatang importante ung pinaguusapan nila at hangang ngayon di pa sila tapos.

Nagsilabasan na ang iba naming classmates hanggang sa kaming tatlo nalang ang naiwan sa room.

"Asan na kaya si Selene?" Tanong sakin si Jelanie.

"You make tawag her nga or baka you want to text/video call her pa?, Im nag-aalala na. Its uwian na pero she's not yet here." Sabi sakin ni Margarette.

Ay loko! Nagawa pang maging pilosopo. Sinunod ko ang sinabi ni Margarette,pati kasi ako nag-aalala na kung bakit hangang ngayon wala pa sya.

I dialed her number and call her..

RRRRIIIINNNGGGGG

She answered it

[Hello?]

Bakit ganon ung boses nya? Umiyak ba sya? Hay. Mamaya ko na nga lang sya tanungin kung ano nangyare.

"Where are you? Tapos na ang klase pero your not yet here. Sunod ka nalang sa parking" Sabi ko sakanya.

[Okay.]

Ang tamlay talaga nya. Hindi naman sya ganyan ah.

I think theres something wrong about her. I need to figure this out. May kakaiba talaga.

Naglakad na kami papuntang parking. Ng makarating kami, we waited for 5 minutes more saka dumating si Selene.

Umiyak nga sya, halata sa mata nya. Tapos ang tamlay din nya. May mali talaga.

"Did you cry? What's wrong?" Nag-aalala at the same time kinakabahan na tanong sakanya ni Jelanie.

Somethings going on in here.

"W...wala" Nakayuko na sabi ni Selene sabay pasok sa kotse nya at umalis na.

Kaming tatlo naman ay naiwan pa, I need to talk to Jelanie. Alam kong may alam sya sa mga nangyayare

"Jelanie, let's talk. Sunod ka nalang sa mansion. Margarette sama ka." Sabi ko sa kanila

"Sure!" Ito namang si Margarette nagawa pang maging excited kahit may nangyayare ng hindi maganda!

"O-okay." Malungkot na sabi ni Jelanie.

--------

~♥~

A/N: What will happen next kaya? Ano ang magiging reaction nila?

Dont forget to VOTE & COMMENT!

T.Y

When The Past Came BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon