almost two weeks na rin ang nakaraan ng mawala si vince pero sobrang naninibago pa rin sila..tahimik lang lage sila,sobrang namimiss na nila ang kanilang kaibigan..ung tipong bigla bigla nalang siya bibisita sa kanilang campus,ung tatawag kapag gusto sila makasama,ung nagpapasaya sa knila at tumutulong sa problema,lahat ng un wala na..nasanay sila na lageng may vince na umiintindi at nagpapangiti..ang dating saya nila,ngayon ay napalitan na ng kalungkutan..
RENZ's POV
di ko alam kung pano magsisimula,ang sakit sakit pa rin..kahit anong pilit ko,di ko pa rin matanggap..hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala na wala na siya..parang kelan lang ang saya saya namin..
sobrang bait ng kapatid kong yun..Lord,bakit?bakit mo siya kinuha agad samin..nagsisimula palang kami ulit ei..bakit Lord π_π
nandito ako ngayon sa bahay nila,naglilibot,pumunta akobsa kwarto niya..nakita ko yung picture namin nung monthsary namin ni jonella..pinaframe niya pa talaga..ang saya saya namin dito..lalo ako nalungkot habang pinagmamasdan ang larawan na to..namimiss ko na talaga ang kapatid ko..
ng mapadaan ako sa may drawer niya,may nakita akong isang notebook..nang binuklat ko isang diary pala..nagsusulat pala siya ng ganito..puro masasayang bahagi ng buhay niya ang nakasulat dito..pero isang page ang sobrang nagpaiyak sakin..
dear diary,
alam mo ba ang saya saya ko ngayon,bukas na kasi ang monthsary ng kapatid ko at ni jonella..parang ako pa nga ata ang mas excited kesa sa knila ei haha..wala lang masaya lang kasi talaga para sa kanilang dalawa..di ako bitter ha..alam ko magtatagal naman sila parehas naman nila mahal ang isat isa ei..si ron bata pa naman yun ,di pa dumadating ang ms.right niya hehe..masaya ako na ok talaga kami ng mga kapatid ko..si daddy,kahit na papano ei nakakasama ko at masaya ako dun,sana makasama ko pa sila ng matagal..kahit na galit na galit sakin ang mommy nila renz,di pa rin ako nagtatanim ng sama ng loob sakanya,iniintindi ko nalang siya..haay,salamat nalang talaga sakanila,dahil nabubuhay ako na masaya:) ..mahal na mahal ko ang mga kaibigan at pamilya ko..
ayan family and friend note to :) .sige bukas ulit diary ha..
"bro π_π π_π "
lage nalang kami ang iniisip niya..wala manlang ako nagawa para sakanya ..sana hindi nalang pala kami pumayag na maghangout,kung maibabalik ko lang sana T_T
RON's POV
nasasaktan pa rin ako sa nangyari..ang hirap talaga tanggapin..nasanay ako na lage siyang kasama..kaht medyo malayo ang school nila samin pumupunta pa rin siya,makasama lang kami..
namimiss ko na siya π_π
pupuntahan ko sana si kuya sa kwarto niya pero wala siya..san naman kaya siya nagpunta..
halos di na rin kami lumalabas magbarkada ,wala ei,di pa rin namin kaya maging masaya..pare-parehas pa rin kami malungkot..
kahit na ang huling nasabi niya ay wag kami malungkot pag nawala siya,di namin kaya..
nagkulong nalang ako sa kwarto ko,tinitignan ang mga picture namin magkakasama..
JONELLA's POV
di ko pa rin matanggap ang pagkawala niya..kasalanan ko to! kasalanan ko to! ..lage ko sinisisi ang sarili ko sa pagkawala niya..ang sakit sakit..
tuwing tinitignan ko ang mga picture namin magkakasama,sobrang nalulungkot ako,namimiss ko siya..
at tuwing binabasa ko ang message niya sakin nun kasama ng couple shirt ,di ko mapigil ang emosyon ko,halos araw araw ako umiiyak tuwing maaalala lahat ng moment na yun..
BINABASA MO ANG
one last wish
Romanceone is enough , two is too much , three is a sign of stupidity...pero ano nga bang magagawa mo kung talagang mahal mo siya..ipaglalaban mo ba siya o susuko ka nalang basta-basta??