Chapter 1
[ I met Her ]
Blake Zachary POV
Nasa harap ako ng simbahan ngayon, may babaeng dumaan sa harapan ko at napatulala nalang ako, may naramdaman akong kakaiba at parang biglang tumibok ang puso ko ng mabilis na mabilis.
Nabalik nalang ako sa katinuan nung tapikin ng pinsan ko ang balikat ko. O bat ka tulala? Tanong ng pinsan ko. Ah e wala inantok ako bigla. Pero nabigla ako ng may magsalitang babae sa likod niya. Nabigla ako sa nakita ko, yung babaeng nagpatibok ng puso ko ang nagsalita. At takenote kilala niya yung pinsan ko.
Hey Blake Zachary, meet my Bestfriend Shawnette. Saad ng pinsan kong si Nathaniel.
Inabot ko ang kamay ko sa kanya at iniabot din niya yung kanya. Binitawan ko naman agad kase parang nagbblush ang buo kong katawan.
Sasama pala siya sa tin sa Pampanga saad ng pinsan ko. Parang may mga kamay sa loob ng puso ko at kinikiliti. Pakshet nakakabakla na.
Sumakay na kami sa Kotse at ang pinsan ko ang nagdrive. Umupo ako sa Passenger Seat, pero pinalipat ako ng pinsan ko. Dun ka sa Backseat tabihan mo si Shawnette. Lumipat ako sa Backseat at tinabihan ko siya.
Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakaramdam ng ganito, minsan lang ako nagmahal ng totoo pero bakit mas kakaiba ang nararamdaman kong 'to.
Nakatulog si Shawnette sa buong biyahe dahil halos 4 na oras ang naging biyahe namin mula Manlia hanggang Pampanga dahil sa Traffic sa EDSA.
Nakarating na kami sa Pampanga at ginising ko siya, pinagising kasi siya ng pinsan ko para bumaba. Inalalayan ko siya sa pagbaba dahil mabato. Pagkakababa namin ay, kitang kita ko na ang aming pamilya na nagkkwentuhan at nagkakasiyahan dahil Family Reunion namin ngayon.
Tinawag ako ni mama, lumapit ako sa kanya at hinalikan ang pisngi niya. Kasama naman ni Nathaniel si Shawnette. First time pala niyang makita at makilala ang aming pamilya.
Nagkayayaan ang pamilya na magkantahan, yung mga pinsan lang namin ang mga nagkantahan. Sira ulo kase sila. Haha
Dumating ang gabi at nagsitulugan na ang buong pamilya, magsstay kase kame dito for 2days and 3nights madalang lang naman kaming umuwi dito sa Rest House ng Pamilya namin.
Nagsipasukan na sa mga kanya-kanyang silid ang bawat isa at may ipinahandang kwarto si mama para kay Shawnette.
Pinapunta ako ni mama sa room nila ni papa para kausapin. Anak kaya mo pa ba? Opo ma kaya ko pa, malakas ako at magpapalakas ako sa lahat ng aking makakaya.
Always vote and Leave Your Comments Thanks
Guys Comment Naman Kung Nagustuhan niyo ang 1st Story ko Thanks. Pafollow din ah. Follow Back ko kayo.
~HerSamgyeopsal

BINABASA MO ANG
"Our Love 'Till the End"
RomantikPag nagmahal ka, wala ka nang hahanapin pa. Lahat ng bagay para sayo ay sapat na lalo na kung ang taong mahal mo ay mas mahal ka. Lahat ng mga pagsubok handa niyong harapin at lagpasan ng magkasama, kahit na sa kamatayan pa.