Blake Zachary POV
Alam kong sa sarili kong mahal ko na siya, kahit na di ko pa siya gaanong nakilala ay parang mahal na mahal ko na siya. Pero natatakot ako. Natatakot na baka masaktan ko siya. Natatakot ako para sa kanya at para sa sarili ko.
May sakit ako, May Leukemia ako pero hindi pa gaanong malala. Oo nanghihina nko madalas pero kinakaya ko dahil ayoko pang mamatay ng maaga, ayoko pang iwan ang mga mahal ko sa buhay. At si Shawnette ang gagawin ko pang isang dahilan para magpalakas ako.
May mga 10 kahilingan akong ginawa nung nalaman kong may sakit ako at gagawin namin yun ng babaeng mahal ko ng magkasama. Pero pano? Si Shawnette na ba ang babaeng mamahalin ko?
Iisipin ko na muna yung dapat gawin, liligawan ko ba siya? Pero talagang may takot sa puso ko pano kung mamatay ako bigla. Ayokong maging malungkot siya pag naging ganun yung sitwasyon namin. Pero teka lang ang tanong mahal niya ba ako? Tss todo drama ako dito diko naman alam kung gusto niya ko.
Hayyy kakausapin ko nalang si mama mamaya tungkol sa Pag-ibig ko para kay Shawnette.
Lumabas ako ng kwarto ko ng makita ko sina Shawnette at Nathaniel na may dala-dalang mga basket. Nathaniel saan kayo pupunta? Ah sa palengke nagpapabili ng mga gulay ang mama mo. Sama ako saad ko, ok sge tara na. Sumakay na kami ng kotse at si Nathaniel nanaman ang nagdrive, tinabihan ko si Shawnette sa Backseat .
Pinaandar na ni Nathaniel ang kotse at patuloy na naming binaybay ang kalsada papuntang palengke. Pinauna na kami ni Nathaniel dahil ipaparada niya pa ang sasakyan kaya nagsimula ng mamili ng mga gulay si Shawnette at syempre naki tingin-tingin na din ako.
Ang dami na naming napiling mga sariwang gulay. Pero ng namimili siya ng kamatis nahawakan ko ang kamay niya, napahinto siya kase matagal ko na palang hawak yung kamay niya kaya nahiya ang mukha ko. Shit Shit Shit lumayo ako sa hiya, mapula pa sa mga kamatis ang mukha ko.
Hala lumalandi si Blake. Haha'
Vote, Comment. and Follow po. Thanks
-HerSamgyeopsal

BINABASA MO ANG
"Our Love 'Till the End"
RomancePag nagmahal ka, wala ka nang hahanapin pa. Lahat ng bagay para sayo ay sapat na lalo na kung ang taong mahal mo ay mas mahal ka. Lahat ng mga pagsubok handa niyong harapin at lagpasan ng magkasama, kahit na sa kamatayan pa.