"Our Love 'Till the End" Chapter3

24 3 1
                                    

Shawnette POV

Ay ang sungit sungit naman pala. Kala ko ang bait-bait niya pero may pagka demonyo din pala. Nagpa GoodMorning ako tapos dedma lang! Hays kung di lang gwapo yun matitikman niya ang Flying Kick ko. Aish kabadtrip na umaga, makapag hilamos na nga. 

Pumasok ulit ako sa kwarto ko at nag ayos ng sarili, kinuha ko ang aking cellphone at tinext si mama, nag pa GoodMorning ako sakanya ee haha. Lumabas na ulit ako sa kwarto ng napansin kong tulog pa ang lahat.

Minabuti kong magluto nalang para pagkagising nila e kakain nalang. Nakita kong wala nang natirang mga pagkain kagabi kaya binukasan ko ang Ref at kumuha ng mga sangkap para sa aking lulutuin. Naisipan kong magluto nalang ng Sopas kaya kumuha ako ng Repolyo, Carrots, Bawang. Sibuyas at iba pa. Nakita ko ring yung mga Itlog at Bacon sa loob ne Ref.

Nagsimula ko ng balatan ang mga gulay, iginisa, ipinakuluan, pinrito ang mga bacon at nagsaing. Naluto na ang lahat ng napansin kong wala pang mga plato kaya pumunta ako sa cabinet para kumuha ng plato. WTH hindi ko abot, kukuha na sana akong ng upuan ng maramdaman kong may lalaking nakadikit sa likod ko, nabigla ako ng makita ko si Blake na binubuksan na yung cabinet para kunin ang mga plato.

Napabalikwas ako bigla ng may narinig akong kumanta mula sa likod namin at nakita kong si Nathaniel yun. Wow ah may namamagitan na ata sa inyong dalawa? Ang bilis naman ah. Sabay tawa niya. Nainis ako sa sinabi niya kaya binalikan ko nalang ang bacon na nasa Carajay.

Nathaniel POV

Napagmasdan ko ang pinsan ko simula ng unang araw na makita niya si Shawnette ay nag bblush na siya. Nakita ko din ang pagkatulala niya ng makita niya si Shawnette kanina nung kumuha siyang towel. Gising na din ako nun hindi lang ako nagpahalata na nakikita ko sila.

Sana kung magmamahal na ulit ang pinsan kong 'to sana si Shawnette na lang. Alam kong aalagaan siya ni Shawnette at hindi siya sasaktan nito. Sana bago man siya mawala ay maranasn niyang magmahal at mahalin.

Vote, Comment and Follow naman po. Thanks

~HerSamgyeopsal

"Our Love 'Till the End"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon