Blake POV
Hiantid ko sa bahay nila sina Shawnette at ang mama niya. Dahil nakita ko sila sa Hospital kanina. Nagpacheck up pala ang mama niya. Saktong nagpa check up din ako kaya nakasabay ko sila. Pamilya ko ang may ari ng Hospital na yon kaya dun na din ako nagpapa check up.
Kamusta naman ang sakit ko? Heto patuloy na lumalala kahit na iniinom ko ang gamot ko. Nandito ako sa Condo ko ngayon, hindi muna ako umuwi sa bahay, dahil siguradong magddrama nanaman si mama pag nalaman niyang lumalala na ang sakit ko. Napaupo nalang ako sa sofa at binuksan ko ang TV at nanood nalang. Habang nakahiga ako naalala ko yung 10 Bagay na gusto kong gawin bago ako mawala.
Kinuha ko ang Diary ko. Nagsimula akong mag Diary simula nung nalaman kong may sakit ako at ang unang sinulat ko ay yung mga bagay gusto kong gawin bago ako mawala.
10 Things I want to do before I die
1. Fall deeply in love -- helplessly and unconditionally.
2. Sing a great song in front of her.
3. Sleep under the stars.
4. Run a marathon with her.
5. Adopt a Rescue pet.
6. Stargazing with her.
7. Give a her a heartfelt surprise.
8. Marry Her.
9. Create our Family Tree.
10. Look into my child's eyes, kiss her forehead, and smile.
Siguro napansin niyo kung bakit wala akong gagawin para sa pamilya ko no? Kase alam na nilang mahal na mahal ko sila at ang tanging hiling nalang nila sakin ay ang magpalakas at magpagaling ako. Oo yun lang tanging hiling nila, pero alam ko sa sarili ko na baka hindi ko magawa yung hinihiling nila lalo na at alam ko sa sarili ko na lumalala na ang sakit ko.
Vote Comment and Follow Thanks.
~HerSamgyeopsal

BINABASA MO ANG
"Our Love 'Till the End"
RomancePag nagmahal ka, wala ka nang hahanapin pa. Lahat ng bagay para sayo ay sapat na lalo na kung ang taong mahal mo ay mas mahal ka. Lahat ng mga pagsubok handa niyong harapin at lagpasan ng magkasama, kahit na sa kamatayan pa.