Alas otso y media na ng umaga nang ihinto ni Albert ang kanyang pulang Nissan Sentra sa labas ng kanyang bahay sa San Juan. Nagmamadali siyang pumasok at umakyat sa second floor. Pumasok siya sa kwarto at kinuha ang kanyang plaque na nakapatong sa isang shelf. Mula sa katabing bintana ay nasilip niya ang isang itim na Isuzu mu-X sa labas ng bahay, nakaparada sa kabilang side ng kalsada. Wala iyon kanina pagbaba niya ng sasakyan. Tinted ang salamin ng mga bintana kaya hindi niya masilip ang tao sa loob. Kinabahan siya. May kung sinong nagmamanman sa kanya. Dahan-dahan niyang isinara ang mga bintana.
Bumaba siya at doon naman sa bintana sa sala niya sinilip ang itim na sasakyan. Hindi pa rin niya maaninag ang tao sa loob. Maaga pa no'n at Sabado pa, walang pasok ang mga estudyante, kaya wala pang gaanong tao ang nagsisipaglakaran sa labas. Hinihintay niyang may bumaba mula sa sasakyan, subalit nabigo siya.
Hindi pa muna siya lumabas ng bahay. Hinihintay niyang umalis ang sasakyan. Makalipas ang ilan pang minuto, nakita na niya itong umalis. Saka lamang siya nakahinga ng maluwag.
Master's Bedroom
9:12 AMSamantala, sa So Private Resort, sa mezzanine ng malaking bahay, nabigo sina Sam at Gio na makita ang hinahanap na envelope sa office ni Sir Kris. Dumako sila sa bedroom nito at sa mga drawer naman na naroon sila naghalungkat. Natuon ang pansin ni Gio sa CCTV camera na nasa sulok ng kisame ng kwarto.
"Sam," tawag ni Gio.
"Bakit?" tanong ni Sam.
"Kung tingnan kaya natin 'yung footage nung naganap na house party noon?" mungkahi ni Gio.
"Doon makikita natin kung saan dinala ni Sir Kris ang envelope.""Oo nga 'no," sang-ayon ni Sam. "Sa control room!"
"Natatandaan mo ba kung saan dito ang control room?" tanong ni Gio.
"Hindi," sagot ni Sam. "Pero kailangan nating makita. Halika na."
Lumabas ng kwarto ang dalawa, at nalilitong hinanap ang control room. Sa paghahanap nila ng hagdan paakyat sa second floor, nasalubong nila si Dianne.
"Dianne!" tawag ni Sam.
"Sam! Gio!" kahit papano'y nakahinga ng maluwag si Dianne. "Si Mark? Nasaan si Mark?"
"Binalikan ka niya sa library. Hindi kayo nagkita?" tanong din ni Gio.
"Hindi eh," sagot niya. "Sinubukan ko siyang tawagan kanina pero busy ang cellphone niya. Tapos nung tawagan ko uli, hindi na sya makontak."
"Hindi pa rin namin nakikita ang envelope," sabi ni Sam. "Papunta..."
Pinutol ni Dianne ang sasabihin ni Sam. "Halikayo, may nakita ako sa library." Hinila niya ang dalawa sa pintong pinakamalapit sa kanila.
Guest Room 3
9:30 AMPumasok sila sa loob. Isinara niya ang pinto at binuksan ang ilaw. Isa sa mga guest room ang kanilang napasukan. Inilatag niya sa isang mesang naroon ang profile ng mga hired killers para masmakita nina Sam at Gio.
Isa-isang itinuro ni Dianne ang mga picture sa kanila. "Ito si Dr. Zacharias Medina, binayaran siyang patayin si Sir Luis sa halagang eighty thousand pesos. Ito naman si Thomas Stuart, binayaran sa halagang one thousand, five hundred dollars para patayin si Trisha. Ito naman si Rochelle Navida, kasambahay nina Phil. Binayaran siya ng thirty thousand pesos para patayin si Phil. At itong si Ricky Israel, ito 'yung nakita ko sa bar na kasamang bumagsak ni Lira sa may pinto. Sinadya niya iyon para mamatay si Lira."
"Paano 'yung nangyari kay Mam Erin? Ibig mong sabihin hindi rin 'yun aksidente?" tanong ni Sam.
"Ako, naniniwala ako ngayon na pinatay rin siya," sagot ni Dianne.
BINABASA MO ANG
The House Party
Mystery / ThrillerWhen Dianne heard out about the series of tragic accidents that happened to four of her companions in the recently conducted house party, she needs to unravel the truth behind those mysterious deaths while trying to run for her life and save the liv...