Mula sa second floor ng bahay ay natandaan ni Dianne ang hagdan pababa sa mezzanine. At sa wakas ay nasumpungan na rin niya ang hagdan pababa sa ground floor. Nagmamadali niyang hinanap si Connie. At parang dininig na panalangin, nakasalubong niya ito sa living room. "Connie! Thank God!"
"Ano po'ng nangyayari? May narinig po akong nabasag at sumigaw sa itaas," nag-aalalang tanong nito.
Hinila niya si Connie sa kusina. At sa pintong naroon, pumasok sila upang doon makapagtago.
Staff Room
12:10 PMStaff room ang kanilang napasukan. Gaya ng inaasahan, bakante iyon. Walang gamit ng mga tauhan dahil wala namang event. Bagama't may mga tulugan doon at mga cabinet na walang laman.
Halos pabulong siya nang magsalita. "Connie, noong gabi ng house party, sa may library, may binigay sa'yo si Sir Kris na mga envelope. Nasaan na 'yon? Saan mo dinala?"
Nag-isip si Connie. Inalala ang gabing iyon ng house party. "Ah, iyon po?"
"Oo, Connie. Nasaan na 'yun? Importante sa amin 'yon Connie. Please."
"S-Sinunog ko na po."
"Ha?!"
"'Yun po ang utos ni Sir Kris. Sunugin ko daw po."
"Oh my God!" dismayado si Dianne. "Ano ba'ng mga laman no'n? Natatandaan mo ba? Wala ka bang na-save maski isang dokumento man lang?"
Umiling si Connie. Kinakabahan na rin. "Bakit po ma'am? Ano po ba 'yun?"
"Connie, hindi ko alam. Pero sigurado ako, naroon ang hinahanap naming sagot kung bakit ginagawa ni Sir Kris ito."
"Ang alin po? Hindi ko maintindihan."
"Pinapatay niya kami isa-isa!"
"Diyos ko po!" Napakurus si Connie.
"Connie, kailangan ko ang tulong mo. Matagal na kayong naninilbihan kay Sir Kris, 'di ba? Ano'ng nalalaman ninyo tungkol sa kanya?"
Umiiling si Connie. Nalilito. Natatakot. Hindi alam ang sasabihin. "H-Hindi po ako ma'am."
"Ano'ng hindi ikaw?" tanong ni Dianne.
"Anim na buwan pa lamang po kaming mag-asawa ni Tonyo. Noon ko lang din po nakilala si Sir Kris. Si Tonyo po ang matagal nang katiwala nina Sir Kris kahit po noong buhay pa si Ma'am Cecilia."
"Sino si Ma'am Cecilia?"
"Siya po ang asawa ni Sir Kris."
Napag-isip si Dianne. Hindi na nakilala ni Connie si Ma'am Cecilia dahil namatay na ito noong February 6, 2014 sa London, United Kingdom. Ang araw na pagkatapos no'n ay bigla na lang nawalang parang bula si Sir Kris. Hindi rin gaanong kakilala ni Connie si Sir Kris dahil six months ago pa lang ito nagsimulang manilbihan sa bahay nang mapangasawa nito si Tonyo. So, si Tonyo ang higit na nakakakilala kay Sir Kris. Maaaring nasa kanya ang mga impormasyong kailangan niyang malaman.
"Eh nasaan ngayon ang asawa mo?" tanong niya.
"Umakyat po siya kanina."
"Saan? Tawagan mo. Kailangan ko siyang makausap."
"Wala po siyang cellphone. Walkie talkie radio lang po ang gamit niya na tanging si Sir Kris..."
"Aaah!!" Inis na hinila ni Dianne sa labas ng staff room si Connie. "Halika na, hanapin natin."
Nagmamadaling tinahak nila ang hagdan paakyat. At dahil kasama si Connie, mabilis lang nilang narating ang mezzanine. Maingat na sinuyod nila ang mga pasikut-sikot na hallway doon.
BINABASA MO ANG
The House Party
Mystery / ThrillerWhen Dianne heard out about the series of tragic accidents that happened to four of her companions in the recently conducted house party, she needs to unravel the truth behind those mysterious deaths while trying to run for her life and save the liv...