Chapter 11: Time Machine

75 12 0
                                    

"Some part of a mistake is always correct."

***********

Hoshiko's POV

"Ate! Ate! Smileeee! *Click!*"

"*smiles* Shane, yung painting!"

"Ang ganda mo talaga ate."

"Wag mo nga akong binobola Shane. Bakit kasi ayaw mong takpan tong mata ko?"

"Maganda naman po kasi ate. Kulay pula. Saan ka nakakita ng ganyang mata ngayon? Unique! Kakaiba! "

***

"Ate! Bagay talaga kayo ni kuya Ims! Haha"

"Bagay? Tao kaya kami. Tska etong batsoy na to? No thanks."

"Kapal. Kapag ako pumogi at naging macho. Who you ka sakin!"

"Sus. Sa panaginip mo lang yun mangyayari."

"*click!* Hihi. Tignan niyo ate oh! Ang cute! Para kayong nageLQ."

"LQ? Saan mo naman yan natutunan Shane? Tska, ang hilig mo talaga magPicture no?"

"Kila Ms. Domingo ko yun natutunan ate! Yung magaling magbake na maid?"

***

"Ate, ang ganda talaga dito sa park."

"Oo nga. Pero sana hindi kana sumama Shane. Delikado. Lagot tayo nito mamaya kay daddy."

"Okay lang yan ate. Mangyayari naman ang dapat mangyari di ba? Hindi na natin yun mapipigilan."

"Minsan talaga, para kang si lola magsalita. Haha."

***

"S-s-h-ane?"

"Aaaaaaah!"

"Napakatalino talaga ng mga anak ng mga Ayase."

"Oh gising kana pala iha."

"Yung kapatid ko? Shane!"

"Ah? Natutulog pa e. Napagod ata sa pagtanggap ng mga binibigay namin."

"Napakaganda ng mata mo iha. Pwede bang hiramin muna namin? Ibabalik rin naman namin e. Promise."

***

"Makakatakas na tayo Shane."

"Ate. Nahihirapan na ko maglakad. Mauna na lang kayo. Isumbong mo sila kila daddy. Tapos balikan niyo ko."

"Hindi pwede Shane. Andito naman kami ni Yana e. Kaya ka namin pagtulong-tulungan buhatin."

"Oo nga. Halika na. Kailangan na natin magmadali."

***

" Nakatakas yung mga bata! Habulin niyo!"

"Wag kang mag-alala boss. Hindi yan makakalabas. Nakasarado ang lahat ng pintuan. Wala silang madadaanan."

"Mga tanga! Hindi sila mga basta-bastang mga bata! Parang nakalimutan niyo na ata! Gusto niyo bang paltan ko yang utak niyo ng mga utak ng mga batang yun! Para naman may silbi yang mga pag-iisip niyo!"

The Devil's Downfall [HIATUS/Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon