Chapter 20: Do you still love me?

26 2 0
                                    

"Lyndon, ang tibay mo!!!"

"Huh?!!"

"Buti nakakapagpigil ka sa pagseselos mo kina Kaizer at Katlyn..."

"Ah... ano ba magagawa ko? Mukang mahal ni Katlyn si Kaizer eh....."

"Naku!!! Masyado kang madrama!!!"

'Si Ginny, ang bait bait talaga n'ya... buti na lang andyan s'ya... kung wala s'ya, kanino ako magdadrama?!

"LYNDON!!! ALAM KO NA!!!"

"Anong alam mo na?!"

"Gagantihan natin si Katlyn!!!"

"ANO?!! PAANO?!!!!"

"Kungware may gusto ako sa'yo...kungware matagal na kitang inaakit.....tapos ngayon mo lang yun napansin... mamaya sa opening ng factory sa Bulacan, kungware M.U na tayo!"

"HUH?!!! Paano natin magagantihan si Katlyn nun?!!"

"Kung mahal ka pa nga n'ya, magseselos s'ya... kung hindi, at least alam mo na na hindi ka na n'ya mahal...ano?! GAME?!!"

"Sige na nga..."

Kahit sa tingin ko hindi magandang  idea yung naisip ni Ginny... Pumayag pa rin ako... Gusto ko rin namang malaman... para hindi na ako maguluhan pa kung sino ba talaga ang mahal n'ya...

-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-

8:27 pm, malapit na magsimula ang opening... marami nang nagdadatingang bisita and ofcourse mga shareholders at office workers ng company namin... Asan na kaya si Katlyn?

"LYNDON!!!~"

"Ginny!"

"Ok lang ba ang itsura ko?!!"

"Ok na ok!!!"

Pero sigurado ako mas maganda pa rin si Katlyn sa'yo, Ginny...LOL

"Di ba kotse yun ni Kaizer?!! Baka kasama na n'ya si Katlyn!!!"

Tumigil yung sasakyan sa tapat namin ni Ginny at bumaba ang isang diyosa~ SI KATLYN!!! ANG GANDA N'YA!!! *puppy eyes* kaya lang...ang kasama n'ya ay si Kaizer TT^TT...I'm stuck with Ginny though maganda naman si Ginny pero ang mahal ko ay si Katlyn eh so sorry Ginny!

Maya-maya nagsimula na rin ang opening...hawak-hawak ni Ginny ang kamay ko... iniisip ko na lang na si Katlyn ang may hawak nun... GRABE PALA LUMANDE 'TONG SI GINNY!!! Hindi ko kaya kung ito magiging girlfriend ko... sobrang touchy!!! Gusto ko tulad ni Katlyn, chill lang...tsaka lang naman nagmamake ng move si Katlyn pag alam n'yang nasa mood ako eh...

Modern-day RapunzelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon