"HARI NG SABLAY MEET THE CLUMSY QUEEN"
by:ShenggayChapter 1
Hawak ang kanyang gitara,tinungo ni Artemeo ang duyan sa likuran ng kanilang bahay sa Benguet bukod sa pagpupulis hilig kasi nito ang umawit at maggitara.Isang duyan na sinadya para sa mga sundalo at pulis na puwede nilang hakot hakot saan man sila madestino at puwede
nilang ikabit sa mga puno.Pasalampak na umupo ito sa duyan na paborito niyang tambayan kada umuuwi siya dito.
"Oucccchh!!!sheet!anak ng amputa!"pagmumura ni Artemeo habang hawak ang balakang niyang nasakatan.
"Anak anu ba nangyayari sa iyo diyan bakit nagmumura ka na naman?"tanung ng kanyang ina na may hawak pang sandok katunayan na nagluluto ito.
Pero bago ito sumagot sinipa muna nito ang bumagsak na duyan na uupuan niya sana.
"Paanu ba naman kasi inay eh dati rati kong tambayan ang duyan na iyan pero ngayun lang ako bumagsak.."aniya na nakakunoot noo habang hawak pa rin niya ang gitara niya.
"Binata kana anak dapat bago ka sumampa sa kong saan dapat i check mo muna ito kong okey ba o maayos ba tingnan mo baka luma na ang tali niyan,maiwan na kita diyan lumipat ka sa harapan kong dina maayos yang duyan ipagpapatuloy ko pa ang niluluto ko.."ani ng kanyang ina sa kanya at tuluyan ng bumalik sa kanilang kusina.
Kagaya ng sabi ng kanyang ina tsinek muna niya ang tali ng duyan at ganun na lamang ang pagkamangha niya na sinadya pala ang pagkakalag ng lubid nito.Paglinga niya ay para bang nanadya ang alaga niya pusa akalain mong tao ito na bumibilat sa kanya.!!!
Carlaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!sigaw niya sa kanyang pusa!"
Huwag kang magpapakita sa akin
walanghiya kang pusa ka inaalagaan kita tapos pagtripan mo ako gggggrrrrrrrrr....!"galit na sabi
nito habang hinahabol ito.Pero ang pusa naglambitin lamang sa puso na akala mo ay nag twi twinkle eyes pa sa binata na lalong nagpapaasar dito.Sa kagustuhan niyang mahabol ang pusa inilapag niya ang kanyang gitara pero bago pa niya maabot ang buntot nito tumakbo na ulit ang pusa kaya ang siste napasubsub siya sa lupa!
Eksakto namang pagdating ng kanyang ama na galing sa kanilang bukirin ng madapa siya.
"O anak anung nangyari sa iyo at nakasubsob ka diyan?Halikana bangun kana diyan anu ba kasi nangyari ha?"muli ay tanung nito sa kanya.
"Ahh,,neyemas ang pusang iyan 'tay nginatngat ang tali ng duyan sa likod pasalampak akong umupo pero napaderetso akong bagsak pero ng tiningnan ko sinadya ng pusang iyun na kalagin,huwag ko lang makita ulit yan baka mapatay ko 'tay."sagot niya naman dito.
Samantala hindi naman malaman ni 'ang Rubem kong maawa o matatawa sa kanyang anak.Impit man niyang pigilan ang kanyang tawa ay patahagikhik pa rin ito.
Kunot noo namang napatingin ang binata sa kanyang ama at nagsalita.
"Anung nakakatawa sa sinabi ko itay pinagtatawanan naman niyo ako eh.."sambakol ang mukhang tanung niya sa kanyang ama.
Kaya ang labas napahalakhak ito ng tuluyan.
"Artemeo, Artemeo anak hahhaahaha,halos sumakit ang tiyan nito sa katatawa na siyang mas lalong ikinainis niya dito.
"Anak kalalaki mong tao pati pusa pinag iinitan mo,isa sabi na namin sa iyo na bago ka sumampa sa duyan na o kahit anu tsek mo muna ito ayan tuloy imbes na makapagpahinga ka hindi na.Ayos ayusin mo nga anak ang kilos mo huwag kang lalampa lampa pagpopolis pa naman ang napili mong kunin.Isa pa paanu mo nasabing kasalanan yan ng alaga mong pusa eh lagi lang yan sa higaan niya."habol na sabi nito sa kanyang anak habang sila ay naglalakad papasok sa kanilang bahay.
BINABASA MO ANG
HARI NG SABLAY MET THE CLUMSY QUEEN WRITTEN BY SHERYL FEE( COMPLETED)
Mistério / SuspenseA love story that comes in an unexpected time.