CHAPTER EIGHT

363 11 0
                                    

HARI NG SABLAY MEET THE CLUMSY QUEEN"
By: SHENGGAY

Chapter 8

Ilang buwan lamang ang nakakaraan nang mawala si Abrasado at halos dipa sila
nakakamove on na magkaibigan sa
Pagkawala ng isa sa pinakamahalagang tao sa
buhay nila. Kung noon ay sinagip ni Sherwin ang buhay nila ni Jonas ngayon naman sinagip ni Jonas ang
kaniyang buhay. Wala na ang mga mahahalagang tao sa buhay niya. Hindi lang magkakaibigan ang
turingan nila kundi magkakapatid.
Matapos ang libing ni Jonas nagpaiwan siya sa sementeryo kahit anong pilit ng general at
pamilya ng kaibigan niya ay nagpaiwan pa rin siya walang nakapilit sa kanya.

"Pareng Jonas sumalangit nawa ang kaluluwa mo. Pero patawarin ako ng Panginoon this time igaganti ko kayo ni pareng Sherwin by hook or by crook! Buhay ko man ang maging kapilit! Napakasakit pare magkasunod kayong nawala sa
akin pero kakayanin ko para sa pagganti ko. Ngayun pa lang patawarin nawa ako ng Dios!"kuyom ang mga palad at sinindihan ang
kandila at aalis na sana pero naramdaman niyang hindi siya nag iisa.

Agad niyang kinapa ang kalibre kuwarenta singko niya at mabilis na nagmasid pero makaraan ng
ilang minuto na walang kababalaghang nangyari
ay umuwi na siya sa kanilang bahay.

Samantala lihim na sinusubaybayan ni Sherwin ang kaibigan niya at dinig na dinig niya ang mga katagang binitawan nito. Sa tulong ng mga paru paro malaya siyang nagmamasid sa mga taong
kahina hinala. Kong suot niya ang mahiwagang kuwentas walang nakakakita sa kanya pero pag
nasa trabaho nan siya walang nakakakilala sa kanya. Kung anu man ang kahiwagaan ng mga
kaibigan niyang paru paro ay wala na siyang balak alamin pa bagkos ngpapasalamat siya sa
mga ito bunos pa ang muli niyang nakita ang kababata niya.

Camp Villamor Baguio City

"Sir isusurender ko ang chapa ko pero ang baril ko hindi gagamitin ko ito, alam kong labag ito sa batas pero handa kong suungin at harapin ang magiging kalalabasan nito ang sa akin lang heneral mabigyang hustisiya ang pagkamatay ng
mga kaibigan ko. Just give me your blessing sir and I'll go ahead".. nakasaludong saad ni Artemeo.

Ayaw man sana nang general na sagutin ang saludo ni Aguillar pero hindi ito umalis hanggang di niya ito sinagot.

"Carry on Aguillar hope you will succeed in yourplan. Take care and be intact with us if ever."sagot niya dito at umalis na nga ito
matapos tumango sa kanya.

*******************

Palakad lakad na animoy taong grasa, marumi ang kasuutan nito kulang na lamang ay mamalimos siya pero kailangan niyang magtiis
para sa nasimulan niya.

"Boss mukhang napuruhan yata kong bakit pa kasi bigla na lamang ito tumawid.!" aniya ni Baldo kay general Valderama.

"Ihinto mo Baldo at pulsuhan mo baka mapakinabangan pa natin",utos nito sa body
guard at driver niya.

Agad namang tumalima si Baldo at nilapitan ang nakabulagtang lalaki.

"Boss wala namang gasgas baka natakot lang kaya nawalan siya nang malay"aniya ni Baldo sa
kanyang amo.

"Badong tulungan mo si Baldo.."utos ng heneral sa isa sa mga tauhan niya.

Agad itong tumalima at akmang bubuhatin na sana nila ito pero unti unti itong dumilat.

"Huwag po huwag niyo po akong saktan wala po akong matutulutan hayaan na lang po niyo ako
huhuhu.."saad nito. Wow! Aguillar level up ka magaling ka din palang artista! Sa isip nito.

Napapantastikuhan namam sina Badong at Baldo dito kaya minabuti nilang ipaalam muna sa kanilang amu.

"Boss mukhang may saltik eh huwag daw saktan hayaan na lamang daw siya wala daw siya
matutuluyan"aniys ni Baldo sa general.

HARI NG SABLAY MET THE CLUMSY QUEEN WRITTEN BY SHERYL FEE( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon