"HARI NG SABLAY MEET THE CLUMSY QUEEN"
By:SHENGGAYChapter 7
Saglit na nakalimutan ni Artemeo ang kalungkutang nadarama ng makausap niya ang pakner niyang si Surene. Kahit kailan talaga pilya
talaga akalain mo bang pagselosan ang kapatid ni Sherwin na nagkataong ito ang nakasagot sa
tawag nito."HEY AGUILLAR ISANG BUWAN PA LANG AKO DITO IPINAGPALIT MO NA AKO ABAH KONG GANYAN LANG DIN NAMAN PAPAYAG NA AKONG
PAPAKASAL SA PONCIO PILATONG KASOSYO NI PAPA SA NEGOSYO ALAM MO BANG EXCITED AKONG IBALITA SA IYO NA LAYAS QUEEN MUNA AKO INSTEAD OF CLUMSY QUEEN PERO HINDI KO NA ITUTULOY MAGPAPAKASAL NA AKO SA HERODES NA IYUN TOTAL IPINAGPALIT MO NA AKO.!!!"Pero agad itong tumigil nang marahil ay nagsalita ang yaya nito. Kaya't nagkaroon siya ng time
para makapag salita. Wheeew! Lampa na iyun akalain mong may pagkabungangera din pala...isip na niya na hindi niya namalayang
lumapit ulit ang kapatid ni Sherwin sa kanya."Kuya minumulto ka ba ni kuya nakangiti kang mag isa?"tinig nito na siyang dahilan ng kanyang
pagkahulog mula sa duyan.BLAG!!!!
Sapo ang kanyang balakang na humarap sa bata pero hirap itago ang sakit dito sadyang magkapatid nga ang mga ito may pagka
alaskador. Imbes na tulungan siya nito ay daig pa ang nanay niya.Nakapamaywang pa itong
nagwika sa kanya."Kuya sabi ko bakit ka tumatawang mag isa diyan halos malukot lang mukha mo kanina ngayun naman para kang namaligno.."ani nito sa
kanya na nakapamaywang kaya imbes na magalit siya ay napatawa siya."Liit halika sa tabi ni kuya mag usap
tayo"...aniya dito at agad namang naupo ito sa tabi niya sa duyan."Anong pag uusapan natin kuya?"tugon naman nito.
"Ikaw ang inaalala ko Andy sinabi sa akin ni nanay ang lagay mo dito sana mag adjust kana na wala na sila at kong papayag ka gamitin natin ang pera ng magulang mo ipa surgery natin ang mukha mo at malaya kang kumilos, bata ka pa
Andy marami ka pang pagdadaanan sa buhay kaya naisip ko iyun para sa ikakabuti mo hindi mo magagasto ang mga iyan mag isa kana lamang at kong papayag ka after operation ienrol
ita sa school at mag aral kang muli."aniya dito na natahimik bigla sa kanyang sinabi.Ang batang kaninang nakaupo sa tabi niya ay biglang yumakap sa kanya at umiyak.
"Tahan na Andy narito lang kami nina nanay ni ate Cora mo tatay at si kuya Jonas mo babalik
daw bukas sasamahan ka namin sa doktor kaligtasan mo ang iniisip namin Andy at ito na lamang ang paraan namin para mailayo ka sa
sinumang gumawa nito sa inyong pamilya.."pang aalo niya dito habang hinahaplos niya ang buhok
nito.Suminghot singhot muna ito bago sumagot.
"Kung iyon po ang nararapat kuya sige po.."tugon naman nito.
Lumipas ang mga araw at naging busy silang lahat sa pag papasurgery ni Andy at ito nga naka
schedule na. Lahat sila ay nagdarasal para sa ikakatagumpay nito.At ilang oras pa ay isang nakangiting doktor ang lumabas sa operating room.
"Musta siya dok?"salubong naman nina Jonas at Artemeo dito.
"Maayos na siya mga iho mga ilang sandali pa ay ililipat na siya sa recovery room."sagot naman
nito sa kanila.Ilang araw na lamang at babalik na sila Artemeo at Jonas sa Baguio ilang araw na lamang at matatapos na ang kanilang isang buwang
bakasyon kaya naman sinulit nila ang natitirang araw nila sa labas ng campo.Naayos na rin nila ang tungkol sa problema ni Andy. Hindi na ito ang isang Andy Abrasado kundi
isa na itong Kimberly Aguilar bunsong kapatid ni Artemeo. Labis naman ang pasasalamat nito sa
kanila.

BINABASA MO ANG
HARI NG SABLAY MET THE CLUMSY QUEEN WRITTEN BY SHERYL FEE( COMPLETED)
Misterio / SuspensoA love story that comes in an unexpected time.