Kabanata Apat

233 18 2
                                    

Bago umalis ng PNP office ay hinanap muna ni Brain kay Chief Trinidad si General Solen upang makapagbigay siya rito ng update tungkol sa progress ng kaso, ngunit napag-alaman niyang wala pala ito roon kung kaya’t naisipan niyang tawagan na lang ito.

Nang kukunin na niya ang cellphone sa secret pocket ng coat niya ay nagulat siya nang mapagtantong wala ito roon. Doon lang niya naalalang ipinatong n’ya nga pala iyon kanina sa desk niya sa opisina niya sa bahay at hindi na niya nakuha iyon bago siya umalis. Nang dahil doon ay nagdesisyon siyang umuwi na lang muna ng bahay. Tutal ay kailangan din naman niyang mag-research tungkol doon sa massacre na nangyari sa Tarlac noong June 6, taong 2006.

Pagdating sa bahay ay nadatnan niya na nagpupunas ng mga muwebles sa sala si Nadia – ang pinakabata sa anim na tagapaglinis niya sa bahay sa edad na dalawampu.

“Good morning, Sir Brain,” bati nito sa kaniya.

“Good morning,” iyon lang at nagpatuloy na siya sa pag-akyat sa third floor.

Pagkapasok sa opisina ay hinubad n’ya lang ang coat niya pagkatapos ay umupo na sa swivel chair na nasa likuran ng desk sabay dampot sa iPhone niya na nakapatong doon. Doon n’ya nga talaga ito naiwan. Pagbukas niya noon ay napansin niyang may limang missed calls siya galing kay Serenity. Pagtingin niya ng messages ay mayro’n din itong tatlong text sa kaniya. Isa-isa niyang binasa ang mga text nito.

Brain!!! Huhuhu… Break na kami ni King. Tama ka. Ikaw nga ang gusto nung hayop na baklang yon!

 

Ungas ka Artisuela! Bakit hindi mo cnasagot ang tawag ko??

 

Brain, sagutin mo tawag ko. Importante to!

 

Natawa na lang s’ya sa mga text na iyon ng kaibigan. Hindi kasi ito marunong makinig sa kaniya. Panigurado, kaya iyon tumatawag sa kaniya ay dahil kailangan na naman niyon ng maiiyakan. Gano’n naman iyon lagi kapag nabo-broken hearted, e.

Naawa naman siya sa kaibigan kung kaya’t agad din niyang dinial sa cellphone ang numero nito ngunit out of coverage na ito.

“Kailangan ng kausap, hindi naman ma-contact,” bulong niya sa sarili sabay sinubukang i-dial muli ang numero ng kaibigan ngunit talagang out of coverage iyon.

Nang dahil doon ay nagpasya siyang si General Solen na lang ang tawagan, ngunit maski ito ay hindi rin ma-contact.

“Problema ng mga tao ngayon?” kunot-noo niyang tanong sa sarili.

Sa inis niya ay inilapag na lang muli niya ang cellphone sa desk niya at idinikit ang isang daliri sa transparent screen ng computer monitor niya upang alisin ito sa sleep mode. Noong umalis kasi siya kanina papuntang PNP office ay inilagay n’ya lang ito sa sleep mode. Pagkabukas ng screen ay lumabas muli sa harapan niya ang article na binabasa kanina tungkol doon sa Tarlac massacre na nangyari noong taong 2006.

Sa loob-loob niya ay hindi lang naman para maresolba ang kasong hawak n’ya ngayon ang dahilan kung bakit gusto niyang mag-research tungkol doon, kung hindi para mapatunayan na rin niya kung tama nga ang hinala niyang ang mag-asawang biktima ng massacre na iyon ang tunay niyang mga magulang.

The Devil CaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon