Kabanata Lima

389 20 15
                                    

Habang nakatulala sa mukha ng batang kasama niya sa larawan ay nagulat si Brain nang biglang tumunog ang cellphone niya. Dinampot niya ito at nang tingnan kung sino ang tumatawag ay napansin niyang galing iyon sa isang unknown caller.

“Hello? Who’s this?” tanong ni Brain sa taong nasa kabilang linya pagkapindot niya ng answer button ng cellphone.

“Detective Artisuela, si King po ito,” narinig n’ya namang sagot ng isang lalaki sa kabilang linya.

“King? ‘Yong boyfriend ni Serenity kahapon na ex n’ya na ngayon?”

“A, oo. Ano kasi --” bago pa ito matapos sa sasabihin ay pinutol n’ya na agad ito. Sa problemang kinakaharap niya ngayon ay wala siyang oras para isipin pa ang ibang bagay kaya mas mabuti pang diretsahin n’ya na ang lalaki.

“Alam mo kasi, P’re, kung tungkol ito sa sinabi ni Serenity, mabuti pang kalimutan --” Siya naman ang pinutol ni King.

“Hindi, Detective. Look. Alam kong sinabi na sa iyo ni Serenity ‘yong sinabi ko sa kaniya, but this is not about it. Tumawag kasi s’ya sa’kin kanina mga dalawang oras after naming maghiwalay. Parang nasa panganib s’ya. Hindi ko alam. Basta, ang sinasabi lang n’ya, tulungan ko raw s’ya. No’ng tinatanong ko naman kung ano’ng nangyari sa kaniya, bigla s’yang nawala sa linya. Tinawagan ko uli s’ya pero out of coverage area na. Actually, kanina pa kita tinatawagan --” Muli ay pinutol na naman ni Brain ang lalaki.

“Ba’t kasi hindi mo sinabi agad? Sige, sige. Ako na’ng bahala maghanap sa kaniya. Salamat,” iyon lang at ibinaba na ni Brain ang cellphone.

Mabuti na nga lang at may feature na ngayon ang iPhone para ma-locate kung nasaan ang isa pang iPhone user kahit na nakapatay ito at mabuti na lang din ay naka-iPhone din si Serenity.

Pagkababa niya ng cellphone ay agad niyang binuksan ang locator app niyon at itinype doon ang numero ng kaibigan. Pagkapindot niya ng Search button ay nagulat naman siya sa tinurong lugar ng app.

“Shit,” sambit niya. Eksaktong sa riles ng Philippine National Rail Transit sa Pasay ang lugar na itinuro ng locator app sa cellphone niya.

Hindi na siya nagsayang pa ng oras. Mabilisan niyang hinablot ang coat na nakasabit sa likuran ng upuan, pagkatapos ay nagmamadaling lumabas ng opisina. Habang bumababa ng hagdan ay tinignan pa niya ang oras sa wrist watch na suot niya.

11:30 na. Sampung minuto na lang ay darating  na ang tren ng PNR sa Pasay at kailangan niyang maunahan iyon. Bago siya tuluyang nakalabas ng bahay ay narinig pa niya si Perla na tinawag ang pangalan niya at nagtanong kung saan s’ya pupunta dahil kakain na raw, pero hindi n’ya na iyon pinansin.

Nang makarating siya sa parking lot upang kunin ang Beetle niya ay naisip niyang baka traffic ngayon at kung gagamitin niya ang Beetle ay baka hindi siya makakaabot sa oras kaya nagdesisyon siyang mag-motor na lang.

Mabilis ang mga galaw na pumunta s’ya sa gawi ng big bike niyang Gunbus at tinanggal ang cover nito, pagkatapos ay nag-drive na. Limang kilometro ang layo ng bahay niya sa posibleng kinaroroonan ni Serenity ngayon habang 20km/hr naman ang takbo ng big bike niya. Ibig sabihin ay kailangan niyang mas bilisan pa ang pagpapatakbo ng motor dahil kung aasa siya sa normal na bilis niyon ay paniguradong hindi siya makakaabot sa kaibigan sa loob ng sampung minuto.

The Devil CaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon