Sa Cubao

128 6 4
                                    

Hindi naman masyadong magulo sa Cubao. Marami lang naman sigurong tao. Tulad nalang ng mga Empleyadong papasok sa kani-kanilang trabaho, Mga tindero’t tinder ng mga sigarilyo, candy at chichirya. Mga batang namimigay ng mga envelope na may nakasulat na Kuya/Ate Barya lang po pangkain. Ganito na ba kahirap ang mga Pilipino ngayon? Pati pagkain kumokonti na din. Nasaan ang mga magulang ng mga batang iyon? Siguro kumakayod din sila tulad nalang ng ginagawa ng mga batang ito. Kulang na kasi ang mga Establishimento o mga trabaho dahil na din sa kapabayaan ng gobyerno. Konti nalang din ang nagbibigay ng Libreng trabaho sa mga mahihirap. Bakit walang ginagawa ang gobyerno sa problemang ito o may ginaggawa ba talaga sila para umunlad ang bansang ito?.

Nandito din ang mga MMDA na aligaga sa pamamahala ng trapiko at panghuhuli sa mga traffic violators. Pero yung ibang Traffic enforcer di nanghuhuli bakit kaya? Yung iba nga nangongotong pa e. Buti nalang talaga may mga ibang MMDA na tapat sa kanilang tungkulin at ginagawan nila nang paraan ang problema sa trappiko at gumagawa sila nang paraan para mapatanggal sa puwesto ang mga MMDA na hindi ginagawa ang kanilang tungkulin.

May mga billboard din na may mukha ng mga sikat na artista ang makikita mo sa bawat establishment na madadaan ng mga bus papuntang Cubao. Siksikan sa loob. Isa ako sa mga tila Sardinas na nakipagsiksikan sa isang latang umaandar. May mga pasaherong lalaki na tila nagtratrabaho sa isang construction site. May mga matatandang may dalang bagahe at may mga anak at apo na kasama. Buti nalang may mga taong handing paupuin ang matatandang hirap na hirap na sa pagtayo. Saludo ako sa inyo.

Tapos makikita mo sa labas ng sinasakyan ko papuntang cubao ang mga Estudyanteng tila pauwi na sa kanilang mga bagay at halata sa mga mukha nila ang pagod na nararamdaman nila. Tapos pahirapan pang sumakay dahil  sa konti lang ang may mga bakanteng upuan tulad sa jeep at bus. Bakit hindi gumawa nang paraan ang gobyerno na paramihan ang mga Sasakyang pantrasportation? Tapos may makikita ka ding electrician sa taas ng poste ng meralco dahil nagaayos. Siguro nawalan ng kuryente ang ibang subdivisions. Limitado na rin ba ang kuryente ngayon? Yung totoo?

Tapos matraffic pa sa kahabaan ng EDSA. Halos lahat na yata ng mga uri ng mga sasakyan ay makikita mo dito. Mga Pribadong kotse, mga naglalakihang Truck, mga pampasaherong Jeep, Taxi, Bus at MRT. Bukod sa mga sasakyan, makikita mo rin dito ang iba’t ibang uri ng mga tao sa lansangan.

Ano bang problema ng mundo natin? Ganito na ba talaga ngayon? Anong ginagawa ng gobyerno para masolusyunan ito. Kulang na nga sa mga trabaho pati ba naman sa mga establishamento natin.

“Jhescha! Easy ka lang. okay !” sabi ng isip ko.

Ito na ata ang lugar na kung saan makakalanghap ka ng iba’t ibang amoy at halimuyak ng itim na tubig na umaagos sa gilid ng daraan mong sidewalk at pamilyar na amoy ng ihing tumatagas sa sirang portalble toilet ng MMDA. Usok na lumalabas sa bawat tambutcho ng mga saksakyang nakakasalubong natin. Grabe! Dagdag AIR pollution lang ang mga yun lalo na ang mga baradong kanal sa gilid ng daan at tambak na basura.

Bigla tuloy akong napaisip sa lahat nang nangyayari. Tulad din ba ng magulong Cubao at laging traffic na EDSA ang buhay ko? May mga bagayba akong nagawa sa ibang tao kaya ako naging ganito? Bakit pakiramdam ko, ako yung nasaktan? Selfish ba ako? Pinipilit ko na lang ba ang sarili ko sa taong ayaw naman talaga sa akin? Pinipilit ko na lang bang maging okay kahit hindi naman talaga tayo?

“Yung Papuntang Batangas nandito na tayo.”Hindi ko namalayan Nandito na ako sa Terminal ng Bus papuntang Batangas. Dali dali akong bumaba at dumiretso sa Bilihan ng Ticket.

Maraming tao sa loob ng terminal tulad ng mga pasahero na naghihintay sa waiting area na dala dala ang malalaking bagahe akala mo maglalayas pero hindi pala. Mga drivers at konduktor na naghihintay sa mga pasaherong aakyat sa kanilang bus at para umalis na. Mga tindero ng mani at tubig na nag-aalok sa bawat pasahero.

Tatlong Kwento ng Pag-ibig ( Si Jhescha, Nikka at Payats )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon