Katapusan

44 2 2
                                    

“Grabe Nikka, Ang ganda naman ng kwento nang kaibigan mo huh. Naiiyak ako sa mga nangyari.”

“Ganun talaga Jhescha, may mga bagay talaga na kapag gusto mong makuha o marating dapat wag kang panghinaan ng loob wag yung kulang ka sa kumpiyansa sa sarili dapat think positive lang lagi.” –Nikka

“Kaya nga dapat talaga sinabi niya na sa una para may happy ending na siya kaso wala eh. Kulang talaga siya nang tiwala sa kanyang sarili.”

“Ganun talaga eh, hindi ko naman siya masisisi sa mga nangyari kasi nga best niya ako at ayaw ko naman siyang pagsabihan ng ganun. Siguro ngayon narealize na niyang may kulang talaga siya sa sarili.”

Natigil ang usapan namin dahil sumigaw ang konduktor.

“Nandito na tayo sa Batangas. Wag niyong kalimutan ang inyong mga gamit at bago kayo bumaba icheck kung nandyan ang lahat nang dala niyo.” –Konduktor

“AY, Nandito na tayo. Ilang oras na din pala tayong nag-uusap tungkol sa Pag-ibig saying naman at magkakahiwalay na tayo.” Sabi ko.

“Sayang talaga. Kahit ngayon palang tayo nagkakilala ay naging close na tayo.”

“Tara na. bumaba na tayo.” Pagyaya ko sa kanya.

Chineck muna namin ang mga gamit namin at inayos ito bago kami lumabas ng bus. Hay ang dami kong natutunan sa aming piangkuwentuhan. Buti nalang nakilala ko siya.

“So, paano ba yan? Hanggang dito nalang ata tayo?” –Nikka

“Marami pang pagkakataon para magkita tayong muli Nikka. Hindi pa dito natatapos ang pagkwekwentuhan natin. Ito number ko kung sakaling gusto mong makipagkuwentuhan sa akin.”

Nagpalitan kaming dalawa nang number para naman hindi namin gaano mamiss ang isa’t isa.

“Oh siya hanggang dito nalang siguro tayo. Aalis na ako para naman ma enjoy natin itong bakasyon natin o sakaling dito na tayo tumira.”

Sumakay na si Nikka sa taxi at nagpaalam na sa akin.

Hay grabe ang araw na ito. Puro kuwentong pag-ibig nag nangyari. Atleast may natutunan akong aral sa bawat istorya nang aming buhay.

Ang gulo talaga nang mundo noh. Yung akala mong malapit ka na pero ang layo mo pa pala. Yung akala mong may kasabay ka na at hindi ka na iiwan mauuwi lang din pala sa kalungkutan at nag-iisa. Yung akala kong kami na talagang dalawa pero ako pa rin pala itong nag-iisa at nagmamahal pero hindi naman namin masisisi ang sarili namin sa mga nangyari.

 

Ito ang istorya Jhescha at istorya Nikka na nakilala niya sa loob ng bus at kwento nang kanyang kaibigan na umibig ngunit huli na pala ang lahat. Si Payats.

 

 Votes and Comments <3

Tatlong Kwento ng Pag-ibig ( Si Jhescha, Nikka at Payats )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon