Sa Loob ng Bus

38 2 0
                                    

“Grabe din pala ang nangyari sayo noh. Akalain mo yun nagawa niya pang maghanap nang iba.” Sabi ko

“Oo nga eh, Pero alam niyo yung pakiramdam na kapag matutulog ka sa gabi pero magigising ka nalang dahil naiisip mob aka kinabukasan ay mawawala na siya sayo. Diba ang sakit sa pakiramdam yung malaman mong ipinagpalit ka niya sa iba na hindi man lang niya sinabi sayo. Oo, dahil din sa oras at komunikasyon namin ay isang dahilan kung bakit siya naghanap nang iba. Pero hindi ba niya inisip na pwede pa iyon magawan nang paraan. Hindi ba niya inisip na may taong umaasa na babalik siya. Hindi niya ba naisip yung mga pangakong aming binitawan. Tama nga ang sinabi nila na konti nalang ang mga lalaking seryoso at “PROMISES ARE MEANT TO BE BROKEN”.” Sabi ni nikka.

“Tama ka diyan, mahirap talagang umasa sa taong nagpapakita lang nang motibo kapag alam na natin sa sarili natin na mahal na mahal na natin sila doon naman sila umaalis. Lalo na ang salitang Pangako. Mas okay pa rin sa akin yung salitang “ ACTION SPEAKS MORE THAN WORDS”. Pero mahirap din ang nasa long distance relationship. Pero dito nasusukat kung gaano mo kamahal ang isang tao, na kahit hindi kayo madalas nagkikita, alam niyo sa mga sarili niyo na kampante kayong walang magbabago. Love knows no distance. Walang sukatan ng layo ang love. Walang pinipili ang pag-ibig. Kung mahal mo, pagkatiwalaan mo, gumawa kayo ng paraan para makapag-usap. Magbigay kayo ng oras sa isa't isa. At wag na wag kayong mapapagod at magsusumbatan sa mga sinasakripisyo niyo sa isa't isa. Yan ang sikreto ng pag-ibig. Hindi selfish”

“Ganito talaga sa pag-ibig, minsan nasasaktan ka minsan hindi. Kaya tanggapin nalang natin ang katotohanan at bahala na ang tadahana sa mangyayari sa ating buhay.”

“Tama ka dyan Friend, sabihin man nating hindi pa tayo nakakaalis sa nakaraan pero malay natin sa kasalukuyan makakatagpo tayo nang para talaga sa atin na tunay na magmamahal sa atin.” Sabi ko sa kanya.

“Pero ang tunay na pagmamahal ay makukuha mo lang sa Panginoon natin. Kasi ang panginoon natin ang siyang magpupuna nang mga kakulangan mo sa buhay lalo na ang mga uhaw sa pag-ibig. Kasi nga sa pag-ibig nandyan ang salitang “PATIENCE IS A VIRTUE”. Matuto tayong maghintay sa tunay na pagmamahal dahil dadating din sa puntong makakasama mo yung taong hindi mo inaasahang makakapagpabago nang buhay mo. Kaya nga ngayon, ang pag-ibig muna nang diyos ang makakasama natin dahil sa pag-ibig nang Diyos mo lang makikita ang tunay na Forever.”

“Grabe ang galing galing mo talaga pagdating sa pag-ibig kahit may problema ka masaya ka pa din at hindi mo inaalala ang mga nakaraan mo.” Sabi niya.

“Syempre naman kapag kasi binabalikan mo ang nakaraan parang bumabalik na din yung nagyari kung kelan ka niya iniwan, niloko at sinaktan.” Sabi ko.”Pero syempre may mga taong Brokenhearted na pero bigla nalang nilang maaalala ang lahat at mapapasabi nalang sila nang “Sayang” diba?” Dagdag ko.

 

 

 

“Tama ka din naman, naalala ko tuloy yung Bestfriend kong TORPE na umibig sa Kaibigan niya Pero huli na pala ang lahat.” Sabi niya.

“Huli na ang lahat? Bakit naman?” Sabi ko.

“Eh kasi Ganito Yun.” Nagsimula na ulit siyang magkwento tungkol sa

Bestfriend niyang TORPE.

 Votes and Comments <3

 

Tatlong Kwento ng Pag-ibig ( Si Jhescha, Nikka at Payats )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon