Si Payats

76 2 0
                                    

Sa mundong ito may iba’t ibang klase nang tao. May mga lalaking magaling kung dumiskarte sa mga bagay-bagay. Si Payats na madalas magsalita at madalas ding nambobola. Kahit mataas ang kumpiyansa niya sa sarili bigla nalang nagbago ang lahat ng Makita niya ang isang babae hinahanap niya. Lahat nang matatamis na salita at mapaglarong diskarte ay tuluyan nang naglaho at umurong dahil sa istapa nang kanyang dila. Madalas lunukin ang mga salitang dapat kanyang sasambitin. Takot sa katotohanan kaya laging nabibitin ang Tawag sa kanila na nagmamahal palihim, Sila ang mga TORPE.

Minsan napakagulo nang mundo noh. Kung sino paa yung mahal mo siya pa yung hindi ka mahal tapos yung taong mahal mo ay hinahabol naman niya yung taong hindi siya mahal. Hindi ba pwedeng yung taong mahal mo ay mahal ka? Pero hindi naman yun yung problema sa ngayon eh. Kasi ako meron akong taong mahal at nandito lang ako para sa kanya kahit hindi niya alam.

Ako si Payats na pahilim na umiibig kay Jaja na nagpabago sa buhay ko.

***

Nandito ako ngayon sa bahay kasama ang dalawa kong Kaibigan na si Paul at Mark dahil nakwento ko sa kanila yung babaeng gusto ko at nakilala ko noong araw na nakita ko siya.

“Ano pare, Sigurado ka na bas a nararamdaman mo sa kanya?” - Paul.

“Oo naman bakit?” Sabi ko.

“Oo ka diyan, pero seryoso pare dapat siguraduhin mo munang siya na talaga kasi concern lang kami sayo diba Mark?” - Paul

“Oo nga naman Yats, alam mo kasi pare lagi ka kasing seryoso kaya madalas ka ding nasasaktan. Kaya dapat siguraduhin mo muna. Hindi naman sa pinapahina namin yung loob mo huh.” - Mark

“Baka mamaya effort ka nang effort tapos balewala lang pala sa kanya lahat nang ginagawa mo. At alam mo ba niyang mahal mo siya?” - Paul

Hindi ako nakasagot sa tanong ni Paul, Ewan ko hindi ko pa naman nasasabi sa kanya na gusto ko siya eh.

“Tignan mo, Hindi pa niya alam. Pare ang dami-dami mong alam tungkol sa pag-ibig tapos hindi mo masabi sa kanya.” - Mark

“Hindi naman pare, Sasabihin ko naman sa kanya yung nararamdam ko eh.” Sabi ko

“Kelan? Kapag may iba na siya o may iba na siya?” -Paul

“O kapag nakahanap na siya o nakahanap na siya? -Mark

“Ewan ko, grabe na naman kayo ang gulo niyo. Hindi magkakaiba yun ano ba kayo.” Sabi ko

“Paano ka naman nakakasigurado?” –Paul

Oo nga noh? Paano naman ako makakasiguradong may mahal na siyang iba o nakahanap na pala siya nang iba. Ewan ko ang gulo talaga nahahawa na ako sa mga kaibigan ko eh. Bigla ko silang inakbayang dalawa at sinabing…

“Mga pare, Sigurado ako kaya Tiwala lang. ako bahala.” Sabi ko.

“Ewan ko sayo, Tiwala Tiwala. Ang sabihin mo torpe ka lang.”-Mark

At umalis na silang dalawa dahil may pupuntahan silang GiG ewan ko sa kanila.

***

Sa totoo lang hindi naman talaga ako ganito eh. Kapag may nararamdaman ako sinasabi ko lang. Kapag mahal ko ang tao, sasabihin ko lang na mahal ko siya. Kung mahal ko siya sasabihin kong mahalaga siya. Kapag natutuwa ako sa kanya sasabihin kong natutuwa ako sa kanya. Pero sa pagkakataong ito hindi ko alam kung bakit hindi ko masabi sa kanya na mahal ko siya. Bakit hindi mo masabing hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ko siya nakakasama o kausap. Bakit hanggang tingin nalang ako sa mga larawan niya bakit hanggang doon lang. Kahit ganun man anga nangyayari ngayon nandito lang ako para sayo. Hindi man ako mapansin o laging mabalewala basta ang importante masaya ako kapag masaya siya kahit hindi man ako ang dahilan nang kanyang ngiti sa kanyang mukha.

Tatlong Kwento ng Pag-ibig ( Si Jhescha, Nikka at Payats )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon