Si Nikka

80 2 0
                                    

Busy.

Laging pagod dahil sa trabaho at pag-aaral.

Ayan ang nararamdaman ko ngayon, isa akong college student sa isang paaralan sa Manila at isa din akong working student. Alam niyo kung bakit?. Mahirap lang kasi ako ang magulang ko ay wala na sila kaya si Tita nalang kasama ko at nag-alaga sa akin. Kaya ito ako habang nag-aaral ay nagtratrabaho para may maipon akong pera sa pag-aaral ko at para na din sa ibang bagay nakakahiya naman kasi kung si Tita nalang lagi ang gumagawa ng paraan kaya ngayon ako naman yung tutulong sa sarili ko at sa kanya.

“Nikka, may costumer tayo doon sa table18 kunin mo ang order niya at tska tulala ka nanaman diyan bilisan mo at baka mainip na yun.” Sabi nang aking boss. Alam niyo kung bakit costumer? Sa isang restaurant kasi ako nagtratrabaho. Sabado at linggo lang kasi ako pumapasok kaya tawag sa akin ay irregular student.

Pumunta na ako sa table18 na kung saan nandoon ang isang lalaking pamilyar sa akin hindi ko alam kasi nakatalikod siya. Base sa pagsusuri koi sang siyang matipunong lalaki at may taste sa pandadamit mukhang kilala ko siya. Bigla siyang humarap sa akin at tama nga ako. Si Nikko, si Nikko na boyfriend ko.

“Oy, Nikko! Bakit nandito ka?” Sabi ko sakanya.

“Eh, kasi naman ilang linggo ka nang hindi nagpaparamdam sa akin kahit sa text o tawag wala din. Tapos wala ka nang time para lumabas kasama ako. Namimiss na kasi kita.”

Namimiss? Grabe tong boyfriend ko. Pero tama siya, ilang linggo na kasi akong hindi nagpaparamdam sa kanya. Siguro isang beses o dalawang beses lang ako magparamdam sa isang linggo. Alam niyo naman busy ako sa pagtatrabaho lalo na sa pa-aaral ko kaya wala na akong oras para sa kanya. Siya kasi college graduate na kaya naghahanap nalang siya nang trabaho. Paano kaya ako makakabawi nito?

“Sorry Nikko huh, alam mo naman kung bakit wala akong oras sayo eh lalo na sa communication natin. Siguro naman naiintindihan mo ako diba.” Sabi ko.

“Hindi ba pwedeng magleave ka muna ngayon? Gusto kasi kitang makasama eh.” Halata sa mukha niya ang kalungkutan. Anong gagawin ko?

“Hindi ko alam kung pwede akong magleave ngayon eh.” Sabi ko.

“Magpaalam ka ngayon, itry mo lang kung papayagan ka. Sige nanaman nikka oh.” Dahil sa pagmamakaawa niya ay sinubukan ko ito.

“Sige, hintayin mo muna ako diyan.”

Pagkasabi ko nun ay dumiretso akong opisina nang aking boss para magpaalam. Anong gagawin ko? Hindi ko alam kung anong magandang rason para magleave ako ngayon. Bahala na.

Tok.. Tok.. Tok.. !

“Sir, Paumanhin po. Pwede po ba akong magleave ngayon? May emergency lang pong nangyari eh.” Sabi ko with paawa face.

“Ano ba naman yan nikka, ang dami natin costumer ngayon oh. Hindi mo napapansin?” Sabi niya na parang galit.

“Sir, minsan lang naman po ako magleave sa trabaho. Pagbigyan niyo na po ako ngayon.”

“Oh, sige, Pero mamayng 8pm ay bumalik ka dito dahil may gaganapin event. Kailangan namin nang mga waiter okay.” Sabi niya sabay balik sa kanyang ginawa.

Buti nalang pinayagan ako kahit konting oras. Maaga pa naman eh 6pm palang naman. Kaya koi to bahala na kung anong mangyari ngayon. Namimiss ko na din yung boyfriend ko eh.

Tatlong Kwento ng Pag-ibig ( Si Jhescha, Nikka at Payats )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon