Si Jhescha

50 2 0
                                    

Nakilala ko si Rei sa Paaralan kung saan din ako nag-aaral. 3rdyear college ako nun at ganun din siya. Ang weird nga eh kung paano kami nagkakilalang dalawa nung panahong iyon. Kasi ganito yan.

Habang naglalakad ako sa hallway dala-dala ang gamit ko tapos biglang “boogsh”. May bumunggo sa akin na isang lalaki na halatang nagmamadali sa paglalakad.

“Aray ko, bakit hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo?” Sabi ko dito.

“Sorry miss huh?Nagmamadali kasi ako eh.” Sabi niya sakin

Tinulungan niya akong makatayo sa pagkakaupo ko at sabay pinulot niya ang mga gamit kong nakalapag sa sahig. Buti nalang hindi gaanong kasakit ang pagkakabagsak ko. Tumingin ako sa kanyaat ang gwapo niyang tignan. Maamo ang mukha niya, matipunong lalaki, ayos ang porma at napakagentleman pa. Grabe! Gusto ko na siya ngayon palang.

“Ah, Miss? Okay ka na?” Sabi niya sa akin.

“Okay na ako, Sige mauuna na ako.” Sabay lakad pa layo

“Miss!” Sigaw niya pero hindi ko na tinignan

Grabe kung nagtagal pa ako doon baka himatayin na ako sa sobrang kilig dahil sa sobrang gwapo niya. Siya na ata ang SOULMATE ko.

***

Nandito ako ngayon sa Room namin. Napansin ko nalang na nawawala ang Diary ko. Tinignan ko sa bag ko kung nandito ngunit wala. Tinignan ko na kung saan-saan ngunit hindi ko Makita. Nang biglang…

“Jhesccha, may nanghahanap sayong poging lalaki.” Sabi ng kaklase ko.

Tumingin ako kung sino ang naghahanap sakin at nakita ko yung lalaking nakabanggaan ko sa hallway na hawak ang Diary ko. Oh hindi! Dali akong naglakad papunta sakanya at hinila palayo sa classroom namin.

“Bakit na sayo ang Diary ko?” Sabi ko sakanya ng pagalit pero syempre joke lang sa pogi niya ako magagalit no way!. “Ibalik mo na sakin yan.”

“Pero may kapalit.” Sabi niya sakin habang nakangiti.

“Ano naman yun huh?”

“Sasama ka sakin at ililibre ako ng Fishball at Qwek-qwek.”

Seriously? Sasamahan ko siya? Pwede na akong himatayin sa kilig ngayon kasi makakasama ko ang unang nagpatibok ng puso ko. Oo, No Boyrfriend Since Birth ako. Eh? Sa Ayoko pa ewan ko ba kung bakit pero nung nakita ko siya handa na akong umibig.

“Ok sige, ayun lang naman pala eh.” Sabi ko sakanya.

Naglakad na kami papuntang canteen para bumili ng gusto niya pero nung nakaorder na siya pati ako syempre gutom nadin ako siya yung nagbayad.

“Bakit ikaw nagbayad? Akala ko ba ako ang manlilibre?”

“Next time nalang, ako muna ang taya.” Sabi niya sakin with kindat.

So magkikita pa kami, magkakasama, kakain kami ng qwek-qwek at fishball tapos siya ulit magbabayad haha kapal ng mukha no.

“okay.” Ayun lang ang nasabi ko sknya.

Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan hanggang sa gumaan ang loob ko sakanya. Grabe pala noh. Iba talaga yung feeling kapag yung unang taong nagustuhan mo is makakasundo mo na agad. Ang saya lang diba. Ilang oras na rin ang lumipas at late na pala ako sa next kong subject.

Tatlong Kwento ng Pag-ibig ( Si Jhescha, Nikka at Payats )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon