chapter five

9 0 0
                                    

chapter five...

Time is the cruelest teacher, first she gives the test, then teaches the lesson...🤔

I've gone too far, from my dear province till here... And now that I'm already inches away from my dreams, there is no way of holding back!

Kahit labag man sa kalooban ko ang umupo sa tabi ng matandang yun ay ginawa ko nalang...  I sit beside him and I hurriedly cross my legs, baka silipan pa ako ng mukhang manyakis na ito!

"Oh, sige Miss C. aalis na muna ako. Alam mo na may date din kasi ako..." gusto ko pa sanang pigilan si Alice kaya lang mukhang nagmamadali talaga sya.. Humugot ako ng malalim na hininga at ngumiti ng hilaw sa matandang katabi ko ngayon.

"You look so beautiful hija.. How old are you again?" maligayang tanong ng matanda sa paos nitong boses. I gulp, as long as he's not doing any pervert things against me , I can still treat him good,  right?

"Ah- I'm ..." halos makalimutan ko ng bawal ko nga palang ipagkalat ang totoo kong edad.

"18 po."maikli kong sagot.

Tumawa naman ang matanda at may sinenyasang waitress na halos lumuwa na ang dibdib at makita na ang bukol nito sa pwet, wala na ba talagang matinong babae dito? 

May ibinulong sya doon na nagpatili sa babae... Hanggang sa bigla nalang nagdilim ang boung side ng bar na iyon at pumalit agad ang mga neon lights at maging ang paglabas ng maingay na disco music.... Adrenaline rushed all over me, pakiramdam ko tina-traydor ako ng sarili kong katawan.

"You want some drinks?" ngising tanong ng matanda habang inaabot nito sa akin ang whisky na hawak nya.. I refused, at baka malasing pa ako magawa pa nya ang masama nyang binabalak sa akin.

"No thanks..." I smiled awkwardly.

"Just a little will do hija, I won't force you if you don't want to get drunk."hindi  parin mawala-wala sa mga labi nito ang malaking ngiti.

I wagged,.. Ayoko talagang uminom.

"Okey, I won't force you.." sabi nya sabay usad pa sa tabi ko. Halos manuyo ang lalamunan ko at nanlamig na ang mga kamay at binti ko..

"Ah, Sir pwede po bang umurong pa po kayo ahh- ang laki pa po kasi ng lugar ninyo.." nauutal ko pang sambit na ikinalaki ng kanyang pagtawa.

At sa halip na umurong ay ipinatong pa nito ang isang kamay sa aking hita,. I think
all my bloods are boiling up to the highest point, na sa sobrang pagkulo ng dugo ko'y masusuntok ko na talaga sya sa mukha...

"But your my date for tonight and I can do everything I wanted to do with you..." halos lumipad na ang kaluluwa ko sa sinabi ng matanda.. Anong ibig nyang sabihin na everything?

Nanlaki ang mata ko ng lumapit pa sya sa akin at unti-unting inaangat ang kamay papunta sa aking pisngi.... "Everything?" wala sa sarili kong nasabi dulot ng kaba sa dibdib.

Nanliit pa lalo ang mga mata nitong nakatitig sa akin.

"Yes Hija. EVERYTHING."

" Correction. Not EVERYTHING Mr. Valdez.."  pilyong sinabi ng baritonong boses sa harap namin.

Para akong nagising mula sa isang masamang panaginip na halos higupin ko lahat ng hangin sa silid na iyon...
Pakiramdam ko galing ako sa pagkakasakal, gusto kong huminga nalang at bumawi sa ilang minutong hindi ako nakahinga.. Oh my God hangin pa more!

"Anong ginagawa ng isang Adonis sa lugar na ito?" wika ni Mr. Valdez at nag-ayos akong muli ng upo habang hawak ko ang aking dibdib ng hindi sadyang nahagip ng aking paningin ang lalaking nagsalita kanina. Halos lumuwa ang mata ko at malaglag ang panga ko ng makita ang pamilyar nitong mukha.

Sink In To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon