Tingnan ang sarili sa salamin
Puno ang isipan ng mga bagay di kayang dinggin
Tulad ng; bakit di nila ako kayang unuwain?
Bakit di nila ako kaya tanggapin?
Bakit kasi ganito ako?
Bakit ako tinatratong ganito?
Bakit ako ang nasa sitwasyon ganito?
Ka mahal mahal ba ako?
Puro kamalian ba talaga ang meron ako?
Hindi nila kayang tanggapin kung ano meron ako...
Puno na ng pangiinsulto sa isipan
Sinisira ng lipunan
Na pati ang sarili ay minamaliit na
Ang kanilang isipan ay puro negatibo na
Di kasi kayang abutin ang kanilang ekspektasyon
Lagi pinaparinggan ng kanilang sariling leksyon
Na kesyo di ka maganda
Kesyo mahirap ka
Kesyo di pwede ganyang kasarian
Kesyo walang tinapos sa paaralan
At iba pang bagay na pwede makapanira ng tao
Pero gayon ay naliwanagan sa mundo
Hindi pala nagiisa
Kundi kasama ko Siya
Ang Diyos na mamahalin ako
Kahit sino man ako
Kahit puro kamalian ang nakaraan ko
Ngayon ako'y naliwanagan
Pinunan nya ang kakulangan
Buhay ko ay kanyang kinulayan