Nagsimula sa loob ng klase
Ako ay baguhang estudyante
Na handa nyong kaibiganin
Sinubukan nyo akong sanayin
Sa presensya nyong nakakaakit
Mukha kasi kayong masayahin at mababait
Di ko alam kung ano meron
At binuhos sakin ang inyong atensyon
Bilang kaibigan ninyo
Ang sarap sa pakiramdam
Na aking ninanamnam
Dahil may matatawag akong kaibigan
Na handa ninyo kuno 'pakinggan'
Kahit sa anong problema inyong sasamahan
Sino ba naman ang tatanggi di ba?
Lumipas ang oras, araw at buwan
Wala akong kalungkutan na naranasan
Pinuno ninyo iyon ng kasiyahan
Napasabi sa aking sarili na
Ito ang hinahanap ko mula noon pa
Pero tama nga ba?
Nalaman ko na ako'y inyong sinisiraan
Di ko nga malaman kung anong dahilan
Ano ang maling ginawa?
May sinabi ba ako sa inyo na masama?
Sinubukan kayong kausapin ng maayos
Aking salita di niyo pinapatapos
Patuloy na kine-kwestiyon ang sarili
Sirang sira ang pagkatao sa huli
Maraming naririnig na masasakit na salita
Di na makaharap sa madla
Trinato ko kayo purong katotohanan
Ngunit inyong sinukli kasakiman
Bakit ganiyan kayo, kaibigan?