Hoy Manloloko!

1 0 0
                                    

Pinalaki ako ng aking ama
na matapang at maldita.
Para hindi naapi at nasasaktan ng kahit sino.
Pinaramdam ng kuya ko
na dapat akong ituring prinsesa.
Dahil lumaki akong ginagalang nila.


Tapos bigla kang dadating;
na parang madali lang sayo manghumaling,
madali lang sayo manakit.
Bakit ganyan kayo magpasakit?
Kaya heto grabe ang pagsisi,
sa mabigat na pagkakamali.

Sa mga matatamis mong salita
at nakakaakit mong mata.
Pero hindi na ako tanga!
Hindi ko hahayaan makasakit ka pa!
Pati mga katulad niyong mahilig maglista.
Maglista ng mga naging babae!

Kaya dapat kayo ay mahuli!
Sa tingin nyo ba kami'y laruan?
Na madaling yurakan.
Sa tingin nyo ba ito'y nakakatuwa?
Kahit marami na ang lumuha.
Kaming mga naloko,
grabeng sakit ang naranasan sa inyo!

Hindi madaling makalimot
sa mga alaalang masalimuot.
Nakakapagpataas ba ng pagkalalaki,
pag may lumuha sa inyong babae?
Pinagkakatuwaan niyo ba ang bawat luha,
na nakita nyo sa aming mukha?

Kaya pare, pakinggan mo ito ng maigi.
Hindi porket marami ang iyong naging babae
ay matatawag kang tunay na lalaki.
Ang tunay na lalaki,
marunong magpahalaga ng babae.

Alam nila kung pano mangrespeto.
Takot na manloko.
Pakatandaan sa iyong kokote,
may mga karma na dadating.
Sa mga mahilig makipaglaruan,
lalo na sa mga nararamdaman.

Unheard FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon