Ating relasyon
Ay bunga ng maling desisyon
Napaaga na pagmamahalan
Baka mauwi rin sa hiwalayanAlam ko ang advance ko masyado
Pero masisisi mo ba ako?
Kung puro away tayo
Lagi na lang tayo nagkakaguloAyaw ng pamilya mo sakin
Hindi alam ng pamilya ko ang meron satin
Pero umaasa pa rin naman ako
Na magtagal tayoPero ano ba itong relasyon?
Wala nga tayong maayos na komunikasyon
Ginawa mo ba akong jowa
Na pwede ipagmalaki sa iba
Sa mga ipinapakita mo
Wala ng saysay ang meron tayo
Tapusin na natin
Ang matagal na dapat putulin