Ang hirap ma-inlove sa kaibigan

2 0 0
                                    


Mahirap ma-inlove sa kaibigan
Yung tipong di mo inaasahan
Na paggising mo ng umaga
Hala! Mahal ko na sya
Na sobrang problemado ka
Kasi mali yung nararamdaman mo sa kanya
Yung status na 'kaibigan'
Di na pwede lagpasan yan
Nakakainis lang
Ayaw ko mapahiya
At isipin mong ginamit ko ang pagka kaibigan nating dalwa
Mahirap ma-inlove sa kaibigan
Yung lagi syang nasa gilid
At pagtingin ko sa kanya, balahibo ko'y titindig
Tibok ng puso bibilis
Pag tinitigan sa nakakahumaling na mata nya
Syempre maiilang ka
At wala na ang awkward na
Kasi alam ko may nararamdaman akong iba
Ang hirap mainlove sa kaibigan
Yung tipong pagod ng itago lahat ng nararamdaman
At iamin ng walang kahihiyan
Kaya lang takot na mawala ka
Na pag-inamin ko, lumayo ka bigla
Mailang ka pagsinabi ko na
Mahirap mainlove sa kaibigan
Pinilit na pigilan
Sinubukan kong iwasan
Baka paglumayo ako
Maglaho ang nararamdaman
Pero bakit ganun?
Habang pinipigilan ko
Umuusbong lalo
Ang hirap mainlove sa kaibigan
Walang halong biro
Totoo lahat ng sinasabi ko
Di ko nga alam kung magiging masaya ako na kaibigan kita?
O iiyak kasi nahihirapan akong kalimutan ka?
Nagdadalawang isip ako
Kung sasabihin o aatras na lang ako
Sa nararamdaman kong nakakapagod ng lubos
Kasi baka parehas ng nararamdaman
Pero di lang nagkakaaminan
Na tulad kong takot sa maging resulta
Nang pagsabi ng dinadama
Pwede ring hindi
Nakakatakot masaktan muli
Di ko kasi alam ang nararamdaman mo para sakin
Mahirap mangapa sa madilim
Ang sweet mo kasi minsan
At ito ako, marupok sayo na naman
Magbibigay ng motibo
Hanggang sa naisip ko baka totoo
At wala na nahulog na ng sobra
Mahal na kita, higit pa sa pagiging magkaibigan nating dalwa
Pero sabi ko tama na
Ayoko na
Kasi nalaman ko may mahal ka ng iba
Ramdam ko ang saya
Habang kinekwento mo sya
Kaya ititigil ko na ang kaaasa
Sobrang sakit mag mahal ng kaibigan
Siguro dun lang yung hangganan
Hanggang kaibigan lang talaga

Unheard FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon