Naranasan mo na ba ang walang label na relasyon?
Ang meron lang sa inyo ay limitasyon.
Masakit pakinggan?
Pero yun ang katotohanan.Magaling kasi sila manghuli ng kiliti
at nakakaakit naman talaga ang kanilang ngiti.
Masarap pakinggan ang matatamis na salita.
Kaya hindi ka talaga madala-dala.Ilang beses ka na bang pinagsabihan?
Pero ilang beses mo ring tinanggihan.
Mahirap umasa sa wala, alam mo ba iyon?
Pero mas mahirap umasa sa parang meron.Alam mo naman na hindi lang ikaw ang pinapakilig.
Pero mukhang dehado ka na, lintik.
Ang mga bagay na hindi sigurado
ay paniguradong delikado.Masarap sa pakiramdam yung totoong nagmamahal sayo.
Pero mas masarap sa pakiramdam ang pagmamahal sa sarili mo.
Wag mo hayaan na sirain ka niya.
Wag mo ibaba ang sarili mo para sa kaniya.Kaya gumising ka na sa iyong imahinasiyon
at humanda sa reyalidad na meron ngayon.
Hindi ka talaga mahal niya
kung hindi niya kaya pahalagahan kung sino ka.Ang tunay na pagmamahal ay dadating sa tamang panahon.
At hindi ikaw ang magdidikta nun.
Hindi minamadali ang ganiyang proseso.
Ang Diyos kusa magbibigay ng para sayo.Ang tunay na lalaki
handa kang ipagmalaki.
Sa harap ng magulang mo
pati na rin sa lahat ng tao.Panigurado ako,
hindi niya kaya gawin yun sayo.
Kasi nga hindi seryoso.
At hanggang kilig lang kayo.