Atacia Griez Valdimore
Brother
Nang mahanap ang tamang silid, agad kaming tumigil sa tapat nito at hinarap ang isa't isa.
He handed me my books, patted my head and smiled.
"Nasa kabilang building lang ako, kung may kailangan ka, i-text mo agad ako o tawagan para mapuntahan kita agad." my sweet loving brother told me.
I raised a brow on him, "Do I look like a child, kuya? Duh, kaya ko na ang sarili ko, don't worry." pagbibiro ko sa kapatid.
Tumaas ang gilid ng kaniyang labi at seryoso akong tinitigan.
"Ops," tinawanan ko ang reaksyon niya. "Got it, kuya. Oo na po."
He sighed heavily and shook his head.
"Huwag kang pasaway. Kung magiging pasaway ka pa, mas mahihirapan akong bantayan ka." he said with a serious tone.
"Seriously? You don't have to, kuya. I'm no longer a kid so...hindi mo ako kailangang bantayan."
Hindi nawala ang seryoso niyang mga titig sa akin. May iilang estudyante rin ang dumadaan sa gilid namin.
"You don't know what I mean, Atacia. Sumunod ka na lang,"
I shrugged my shoulders and nodded.
"Okay...okay. Tatawag ako kapag kailangan." paninigurado ko sa kaniya para matahimik na siya.
"Take care, baby girl." now, there's a smile on his face while waving his hand in the middle air. "Bye,"
I waved my hand on him, too. Nang mag-isa na lang ako, sinilip ko ang loob ng silid.
I was excited to earn new friends here. For sure they're different with my friends abroad but, it will be fine for me. Sana lang ganoon din sila sa akin.
Maingay na sa loob. Marami ang nagkukumpulan, nagkukwentuhan at ang iba'y halatang baguhan lamang din sapagkat tahimik lamang sa kanilang kinauupuan.
I was still in the front door when all their eyes darted on me, watching me as if they're going to bite me. Bigla akong kinabahan pero kinailangan ko pa ring gawaran sila ng isang ngiti. They didn't smiled back, o baka hindi ko lang napansin pero mayroon naman kahit isa.
Napayuko na lamang ako at dumiretso sa isang bakanteng upuan sa may bandang gitna.
Inilapag ko ang aking shoulder bag sa may upuan at ang mga libro sa may armchair.
Ilang beses akong humugot ng malalalim na paghinga bago tuluyang umayos sa kinauupuan.
No one dares to approach me. No one dares to make a conversation with me. It's alright, though. First day pa lamang. Siguradong karamihan ay nahihiya pa at nag-aadjust. Lilipas din ang mga araw at magkakakilanlan din kaming mga magkaka-eskwela.
Hindi pa ako nakakatagal sa aking kinauupuan nang dumating na ang aming unang guro. She introduced herself in front and asked all of us to introduce ourselves, too.
Everyone introduces theirselves, at pagkatapos ng pagpapakilala ay pinapalakpakan. I wonder if it is really necessary or maybe not really, ganoon lang siguro ang kinasanayan. Nakikipalakpak na lang kasi ako, eh.
I realized that some of them were already friends. Siguro ay mga magkababata or maybe friends way back in their elementary days.
Nang matapos ang babaeng katabi ko, sumunod naman ako.
Hindi ko alam kung ano ang mali sa akin. Lahat ng mga mata ay sa akin nakapako at sinadyang katahimikan ang mayroon ngayon para sa akin na kanina nama'y hindi ganoon. Kung kanina ay may kaunting ingay sa bawat nagpapakilala, isang nakakabinging katahimikan naman ang para sa akin.