Five.

1 0 0
                                    

Atacia Griez Valdimore:

Graduation

"Cheers,"

I heard the loud voices of the boys outside our poolside.

Today is their celebration for their graduation day yesterday. Ngayon lamang nagkaroon ng pagkakataon na magsaya ng sama-sama dahil sa may kaniya-kaniyang handaan sa bawat isa sa kanila kahapon.

Ross, my certified crush for the entire year was their valedictorian.

While having his speech on top of the platform, I can't help but to adore him even more.

Noong una, akala ko interesado lamang ako sa kaniya dahil sa tingin ko'y masyado siyang mahirap abutin lalo pa't masyadong misteryoso at seryoso. Ngayon, ganoon pa rin ang isip ko 'yon nga lang, tila mas mahirap na siyang abutin ngayon.

He's entering college soon. Kahit na alam ko na sa parehong eskwelahan pa rin, pakiramdam ko ang layo-layo ko pa rin sa kaniya. Maybe because I was just in junior high school, an upcoming grade eight student.

He'll become more busy and focus on his studies. Magkokolehiyo at paniguradong mas maraming magkakagusto. Lalo pa't kilala at matunog ang kaniyang pangalan sa eskwelahan.

Nakaramdam ako ng uhaw kaya't minabuti ko munang bumaba sa kusina upang makainom ng tubig.

Alas nuebe na ng gabi, at tanging sila na lamang ang maingay sa buong mansion. Dahil wala rin sina daddy, malaya sila ngayong gawin ang kahit na ano rito.

I went straight to the kitchen where the lights were off. Hindi rin naman ganoon kadilim dahil sa may kaunting liwanag kaya't hindi na ako nag-abalang buksan ang ilaw. Dumiretso ako sa fridge para kumuha ng malamig na tubig.

Matapos mainom ang halos isang basong tubig, halos mabitawan ko sa sobrang takot ang basong hawak-hawak ko.

"My goodness!" napahawak ako sa dibdib ko, "You scared the hell out of me!"

Marcus laughed. Naglakad siya patungo sa akin at nilampasan ako upang buksan ang ref.

"Sorry, beautiful. I didn't mean to scare you." sabi niya habang kumukuha ng iilan pang beer.

Hindi ako umimik at humakbang na lamang ng bahagya palayo sa kaniya.

I sighed and calmed myself.

Matapos niya sa kaniyang kinukuha ay inilapag niya muna ito sandali at binalingan ako ng may ngiti sa mga labi.

"So, would you mind to tell me what's keeping you awake, hm? Hindi ba't dapat ay natutulog ka na?"

Umirap ako at hindi siya pinansin. Marcus is a friend, hindi lang kaibigan ni kuya kundi ay kaibigan ko na rin. At first, I hate his presence. I was really annoyed by him. Pero habang tumatagal, unti-unti rin akong nasasanay. Mabait siya, madalas nga lang ay makulit. Kung minsan naman, mas kapatid pa kung umasta kesa kay kuya. But, I do appreciate his efforts. Siguro dahil ay sa kapatid na rin ang turing niya sa'kin. I don't want to think more about it.

"Inuhaw lang. Hindi ba pwedeng uminom?" sagot ko sa kaniya.

Bahagya siyang lumapit para guluhin ang buhok ko.

"You really are stubborn. Dapat ay natutulog ka ng maaga. Masama ang nagpupuyat para sa'yo." paalala niya.

Marahan kong tinapik ang kaniyang kamay sa aking ulo.

"Bakasyon naman at walang pasok. Pwede namang tanghali na ko gumising kinabukasan. Walang problema doon." I replied and raised my brows.

He smirked and shook his head disapprovingly.

No more heartaches (Familia Valdimore Series #2)Where stories live. Discover now