Atacia Griez Valdimore:
Type
It's a long tiring day for me. Pag-uwi sa bahay, agad akong umakyat sa aking silid at tila hinihila ako ng aking kama sa sobrang pagod.
Wala naman kaming ginagawa masyado. Puro pagpapakilala lang at ewan ko kung saan ako napagod. Hindi lang siguro ako sanay sa ganito, na buong hapon ay nasa eskwelahan.
Sa unang araw pa lang, ang daming bagay na rin ang umagaw sa interes ko.
Just like how I've learned that two of my classmates were connected with my brother's friends.
Marcus, the easy go lucky guy was my bitchy witchy classmate's brother and also Ross who happened to be Reign's brother.
Nakita ko kasing magkasabay na umuwi ang si Marcus kasama si Mareth, ang maldita kong kaklase. Well, wala naman akong pakialam. Nagulat lang ako...at namangha na rin sa kabilang banda. Atleast, I have ways to know the guys, eh.
I smiled evilly and opened my laptop to search for someone's social media accounts. I typed his name on facebook but there is no result for his name. I even searched his name in other social media accounts but there is no one.
Wala ba siyang social media account kahit isa? Does he even know how to use cellphone or something? Bakit ba parang ang hirap niyang kilalanin? He's a real mysterious one, huh.
Kung sino ang hinahanap mo, iyon ang wala. At kung sino ang hindi mo hinahanap, iyon pa ang kusang lumalabas.
I clicked the new notification and saw that Marcus sent me a friend request. I rolled my eyes and ignored it.
Kinabukasan pagbaba sa aming sasakyan, agad tumama ang paningin ko sa magkapatid na kabababa lamang sa isang tricycle.
Inalalayan ng kaniyang kuya ang babae at sabay na naglakad papasok ng campus.
"Wala bang sasakyan ang kaibigan mo, kuya?" mahina kong tanong sa aking kapatid. Bumaling naman siya sa akin na kunot ang noo. "Who?" tipid niyang sagot.
Hinanap ko ulit ang magkapatid subalit tuluyan na silang nawala sa aking paningin, "Your friend, Ross. Nakita ko sila na bumaba ng kapatid niya sa isang tricycle. Wala ba sila kahit motorsiklo?" he stopped walking and faced me.
"Why did you asked? And how did you even know about his sister? Are you stalking him or what?" I raised a brow on him and looked away. "Atacia, you're too young to be attracted with someone who was way older than you." he said in a serious tone.
Mas lalo akong napairap sa kaniyang sinabi, "You're exag, kuya. Masama na bang magtanong, hm? And just to let you know, classmate ko ang kapatid ng kaibigan mo. Mas interesado ako sa kapatid niya kesa sa kaibigan mo."
The shock on his face was visible, "Holy shit, Atacia. And now you're a lesbian?" he chuckle, obviously teasing me.
Ilang beses akong napairap at nagdesisyong iwanan na lamang siya. Nakaka-stress kasi siya. Humalakhak siya at tinawag ako ng ilang beses pero hindi ko siya nilingon muli.
Habang nagkaklase, walang ibang pumapasok sa isipan ko kundi ang isang tao lamang.
The very first time that I met him, he already got my attention. There is something about him that I want to know. He may be a hard to get person but, one of these days, bibigay rin ang isang 'yon.
While daydreaming of him, bigla akong siniko ng katabi ko dahilan upang mabalik ako sa wisyo.
Binalingan ko siya at tinaasan ng kilay, "What?" medyo mataray kong tanong. "Anong iniisip mo d'yan, huh? Or...sino ang iniisip mo?" she giggled.