Atacia Griez Valdimore:
Distraction
Wala akong nagawa kundi ang hayaan na lamang si Ross sa kaniyang gusto. Masyado akong masaya ngayong araw kaya gusto ko rin sila ilibre kaso hindi naman niya gusto. Ayoko na ring ipilit dahil baka mas lalo lamang siyang mairita sa'kin at umalis kasama ang kapatid kaya nakuntento na lamang ako na kasama siya...I mean, kasama sila.
Tahimik kaming kumain nang hindi ko maiwasang mapatitig sa kaniya. Ang bawat pagsubo niya at bawat pagnguya sa kaniyang pagkain ay tila nakakaaliw panuorin. I was smiling here like an idiot pero syempre hindi ko pinapahalata. Hindi pwedeng mukha akong tanga sa harapan ng crush ko...Oops, hmp! Oo na, crush ko nga kasi siya. Kahit na sa isipan ko nagmumukha na nga talaga akong tanga.
"Masarap ba?" para akong nabuhusan ng malamig na tubig nang marinig ang kaniyang boses.
Napalunok ako at napaiwas ng tingin, inabala ang sarili kunyari sa sariling pagkain.
"Masarap ba ang pagkain..." Now, I looked at him. Ganoon rin siya, seryosong nakatitig sa akin. "...mukha kasing sarap na sarap ka sa pagkain, ni hindi mo man lang ginagalaw." he said ironically.
Tinignan ko muli ang aking pagkain at nakitang halos wala pa itong bawas. Masyado ata akong halata sa panunuod sa kaniya.
"Oo nga, Tash. Hindi mo ba gusto 'yong pagkaing in-order ni kuya?" his younger sister asked.
Binalingan ko siya at nginitian.
Masarap, Reign. Lalo pa't libre ng kapatid mo. Iyon nga lang, mas napasarap ang panunuod ko sa kaniya, eh. Pwede ba sa sunod, isama mo ulit siya para mas busog ako.
"You should eat properly. Baka hindi alam ito ng kapatid mo, gusto mo ako pa mismo ang magsabi sa kaniya para sa sunod, kasama mo na rin siyang mag-lunch." he said in a very serious tone.
Mabilis akong napailing sa kaniyang sinabi, "Or maybe next time, hindi na kami sasabay ng kapatid ko. You look distracted kapag nariyan ako, kaya..."
Napatawa ako nang malakas sa kaniyang pahayag.
Seriously, Ross? Ang prangka mo rin pala. Straight to the point ka magsalita. Tama ka nga, you're a distraction to me...a beautiful distraction. Pero syempre hindi ako aamin, 'no. Crush kita, pero hindi ako ganoon karupok para umamin sa'yo.
Kapag may gusto ako, gagawan ko ng paraan para gustuhin niya rin ako. At sa huli, siya ang maghahabol sa'kin.
"Ikaw naman kasi, kuya. Hindi ka man lang ngumingiti. Kahit ang ibang estudyante ganoon rin naman ang tingin sa'yo, eh. Karamihan naman nadi-distract kapag ikaw ang kaharap." ang kapatid niya ang sumagot.
"Hm..." his eyes remained on me.
Hindi ko kayang tagalan ang titig niya kahit na gusto kong ikalma ang sarili at patunayang hindi ako distrated sa kaniya. A ghost of smile showed on his face bago siya tuluyang tumayo upang magpaalam.
"Next time, isasama ko ang kapatid ng batang 'to para makakain ng ayos." he said with a smirk before he left.
Bata? Ako, bata? Ibang klase rin talaga ang isang 'yon.
"Ang gulo ng kapatid mo, 'no? Sobrang seryoso tapos biglang magbibiro, biglang ngingiti at biglang seseryoso ulit." reklamo ko.
"Pasensiya ka na, Tash." natatawang sagot ni Reign. "Pero madalas talaga seryoso 'yon. Siguro nasa mood lang kaya nakuhang biruin ka. Or siguro...nagustuhan ka niya."
Halos maibuga ko sa kaniya ang iniinom kong juice dahil sa huling linya ng pahayag niya.
"W-what?" I stammered. "Oh, don't get me wrong. Ang ibig kong sabihin ay nagustuhan ka niya bilang kaibigan ko, ganoon. 'Wag kang mag-alala, mabait si kuya. Hindi siya pumapatol sa bata." she said that word again.
"Hindi ako bata, Reign." madiin kong sambit. "Bata pa tayo, huh." si Ash.
Reign shrugged her shoulders and smiled.
From that day onwards, parati na kaming sabay kumain sa tuwing tanghalian. And guess what! Tinotoo nga ng Ross na 'yon ang kaniyang sinabi. I don't know what exactly did he told my brother pero parati na rin sumasabay sa amin si kuya.
"Huwag ka ngang pabebe, Atacia. Kumain ka ng marami. Kainin mo rin 'yong dessert na pinabaon sa'yo ni mommy." paulit-ulit na sermon sa akin ng aking kapatid.
Nakakailang irap na ako sa hangin dahil sa inaakto niya. Reign and Ashley were eating with a ghost of smile. Si crush? Ito, ang sarap isako. Pangiti-ngiti pa.
"I'm not pabebe, kuya. Busog lang ako kaya hindi ko na kayang kainin pa lahat ng 'yan." tinuro ko ang mga tirang pagkain.
Kumunot ang kaniyang no habang nakatitig sa akin, "Hindi ka ganito sa bahay. Ang lakas mo kayang kumain sa bahay, hindi ka doon pabebe. Unless may pinapagandahan ka rito sa school kaya masyado kang pabebe dito."
Muli akong napairap at hindi sinasadyang tumama ang mga mata ko sa lalaking nasa harapan ko.
He looked away, sandali lang siyang tumingin sa'kin ng seryoso.
Maya-maya ay dumating naman si Marcus. Umupo siya sa isa pang bakanteng upuan at tsaka bumati.
"Hi, Tash." he greeted me with a smile. "Hi, kuya Marcus." bati ko.
Nabulunan si kuya dahil sa kaniyang pagtawa. Hindi ko alam kung bakit. Sa kabilang banda naman, nakita ko ang malapad na ngiti sa mga labi ni Ross.
"Ouch, Tash. 'Wag mo naman akong i-kuya." napangiti na lang ako at nagkibitbalikat.
"Tama lang naman na mag-kuya siya sa'yo. Mas matanda ka rin sa kaniya." si kuya. "Pero, Tash, dapat ganoon rin kay Ross. Mag-kuya ka rin sa kaniya." biglang naging seryoso muli ang mukha ni Ross sa sinabi ng aking kapatid.
Mabilis na lumilipas ang bawat oras at panahon. Hindi ko namalayan na mahigit isang buwan na rin ako sa eskwelahang pinasukan. So far, maayos naman ang lahat. Pero sa buhay talaga ng isang tao, hindi mawawala ang iilang peste na sisira sa'yo.
"Mag-isa ka yata ngayon. Nasaan na ang mga kaibigan mo, huh." boses pa lang, kilala ko na.
Bukod sa kaniya, wala naman ng ibang peste na sumisira ng araw ko lagi, eh.
"Kailan ka pa nagkaroon ng pakialam sa amin, Mareth, huh." I said sarcastically.
She smiled devilishly, "Ngayon lang. Ang sarap mo lang kasi panuorin na mag-isa. Walang kabigan, walang lalaking nakaaligid. Bagay sa'yo mag-isa."
Tinaasan ko siya ng kilay.
"What exactly do you want? Ayokong nagsasayng ng oras sa walang kwentang tao, eh." pilit akong ngumiti.
Nagdilim ang kaniyang paningin sa akin at bakas ang inis at galit sa mukha niya.
"Stay away from my brother. Stay away from his friends. Stay away from my supposed to be friends. Stay away from all of us." madiin niyang sagot.