CHAPTER 01

216 10 30
                                    

"I love you, Ban! I love you! Ibibigay ko lahat-lahat sayo kahit bumili pa ako ng isang bansa para lang makasama ka gagawin ko! Kahit mangutang pa ako kay Sabrina at Hershey! Kahit kay Cielo— Aray!"

Naputol ang pagde-daydreaming ni Brittany nang may bumatok sa kanya. Masama ang tingin na ipinukol niya sa panira ng mga pangarap niya, si Sabrina. "Ano ba?!"

"Kailangan mo na naman uminom ng gamot, 'Ne," anito bago inagaw sa kanya ang yakap-yakap niyang poster. Nang makuha nito iyon sa kanya ay tinitigan iyong mabuti nito atsaka umiling. Ipinasa nito kay Hershey ang naturang poster pagkatapos.

"Sino na naman 'to?" tanong ni Hershey pero hindi ito nakatingin sa kanya, tinititigan din kasi nito ang poster na ipinasa ni Sabrina.

"Si Ban, ang aking iniirog." Hinablot niya ang poster kay Hershey at idinampi iyon sa kanyang pisngi sabay pikit. Wala siyang maisip na gawin noong Holy week kaya naman napagpasyahan niyang manood ng animè. Nagtatrabaho siya sa bangko kaya wala siyang pasok tuwing holidays na gustong-gusto naman niya. Napili niyang panoorin ang Seven Deadly Sins at na-in love sa karakter ni Ban. Ilang araw na ang nakakaraan nang matapos niya ang naturang palabas ngunit hindi pa rin siya makapag-move on sa kanyang napanood.

"Bakit mo naman siya nagustuhan? Hindi naman totoong tao 'yan kaya huwag mo na siyang pagnasaan," ani Sabrina sa kanya. Tiningnan niya ulit ito ng masama.

"Ang sama naman ng bibig mo," reklamo niya.

Nagkibit-balikat lang si Sabrina. "Anong masama sa sinabi ko? Totoo naman 'yon."

"Hindi ko naman siya pinagnanasaan."

"Bakit kasi hindi ka pa maghanap ng bagong boyfriend?" tanong naman ni Hershey.

"Si Ban nga," hirit pa rin niya.

"'Yung totoong tao, Brit," sabad ni Cielo sa usapan.

"Nandiyan ka pala, Cielo? Akala ko estatwa 'yung nasa kama," ani Sabrina. Hindi naman ito pinatulan ni Cielo dahil abala ito sa laptop nito. Tumayo na siya mula sa pagkakaupo niya sa kama.

"Nakakainis kayo. Bakit hindi ninyo ako sinusuportahan?" Tumayo siya upang idikit ang poster sa dingding ng kwarto niya.

"Ano ba kasing nagustuhan mo sa kanya, sige nga?" Tumayo na rin si Sabrina at tumayo ito sa tabi niya habang pinapanood ang kanyang ginagawa.

"Gwapo siya," sagot niya sabay haplos sa mukha ni Ban.

"Ang babaw mo," kontra na naman ni Sabrina sa kanya. Hinampas niya ito sa braso. Wala itong sinabi at bumalik sa kama niya para umupo. Tumabi naman siya sa nakadapang si Cielo na panay pa rin ang pagtipa sa laptop nito.

"Serious ka talaga sa sagot mong 'yon?" tanong ni Hershey na katabi ni Sab.

Tumango siya at ngumisi. "Oo naman. Gwapo na may muscle pa. Yumyumyum!"

"Anak ka ng—"

"Malala ka na nga."

"Okay ka lang ba, Sis?"

Siya naman ang nagsalubong ng kilay sa reaksyon ng mga ito. "Anong problema ninyo? Tanong kayo ng tanong, 'nung sumagot naman ako ayaw ninyong tanggapin ang sagot ko."

"Itong babaeng 'to, hindi na nadala. Hindi marunong pumili ng lalaki. Tanga lang, 'Ne?" Si Sabrina na naman iyon. Kinurot naman ni Cielo ang binti ng kaibigan nila dahil ito ang malapit kay Sabrina. "Aray! Tama lang 'yon para mahimasmasan naman siya."

Hindi naman siya nagsalita dahil iniisip niya ng maayos ang sinabi sa kanya ni Sabrina. Pilit niyang pinapasok sa kukote niya lahat pero hindi pa yata na-warm up ang utak niya para sa doon kaya wala siyang maisip at maisagot.

My Wingless AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon