CHAPTER 02

98 8 32
                                    

Anong nagugustuhan? Loka-loka ka talaga! saway ni Brittany sa sarili at ipinilig ang kanyang ulo. Napahinto siya sa pagkagat sa straw ng kanyang inumin nang magtama ang mga mata nila ng lalaking mukhang mabango. Napakunot-noo ito nang mapansin nito na nakatitig siya ngunit tinanguan pa rin siya nito.

Tumuloy lang ito sa counter at sinundan niya pa rin ito ng tingin. Hindi niya inalis ang tingin sa likod nito. Napagmasdan niya ito ng mas maigi. Malapad ang likod ng binata, hindi nga lang yung tipo ng mga tambay sa gym. Sakto lang kumbaga, hindi masasabing mataba at may kaunting laman. Hindi kagaya ng ex niya na mukhang barbeque stick. Ipinilig niya ang kanyang ulo upang mawala sa utak niya ang imahe ng kanyang taksil na dating kasintahan.

Muli siyang nag-focus sa lalaking amoy-mabango. Maganda talagang titigan ang katawan ng binata at na-realize niya na parang masarap yakapin ito. Matangkad rin at mas maputi pa sa kanya. Morena kasi siya at may kaliitan. Sa taas niyang five feet flat ay sigurado niyang hanggang dibdib lang siya nito. Nang makuha na ng binata ang kape na in-order ay nahuli nitong nakatingin pa rin siya rito.

"You know, if you have something to say, just say it. I don't really like it when someone is staring at me. Hindi ako komportable," anito sa kanya at naglakad palabas ng shop. Ni hindi man lang siya nito hinintay na makasagot. Sinundan pa rin niya ito ng tingin hanggang sa makalabas ito.

Nakasakay na ito sa kotse nito at nakaalis na pero nakapako pa rin ang kanyang mga mata sa pinanggalingan ng binata. May sagabal lang na tumayo sa harapan niya— si Sabrina, may dala itong tray na naglalaman ng pagkain. Isa-isa nitong inilapag ang pagkain na dala habang nakangisi sa kanya. Napakunot-noo naman siya nang mapansing pigil na pigil din nina Cielo at Hershey ang ngiti habang nakatingin sa kanya.

"Anong problema ninyo?" paangil tanong niya rito at kumuha ng clubhouse sandwich sabay kagat doon.

"Nakapag-sightseeing ka na pala," panunukso ni Sabrina sa kanya.

"May bago ka ng inspirasyon," sabi naman ni Cielo sabay subo ng French fries. Muli siyang kumagat ng sandwich at tumingin sa labas.

"Ayoko sa lalaking mas maputi pa sa akin," aniya kahit pa may laman ang kanyang bibig.

"Ang babaw mo talaga kahit kailan," wika ni Cielo. Hinampas lang niya ito sa braso.

"Best friend ni Kuya 'yon. 'Di kami talo, 'no," sagot niya rito pagkatapos ay hinablot ang ilang piraso ng fries na isusubo na sana ni Sabrina. Diretso sa bibig niya ang halos limang pirasong fries. That's right, ang lalaking nakita niya kani-kanina lang ay si Juan Martin Enriquez, best friend ng Kuya Byron niya.

"Eh, ano naman ngayon? Hindi ba mas maganda na 'yon? At least kilala na ninyo ang isa't isa at mas malaki ang chance na hindi ka niya lolokohin dahil nga best friend niya ang kuya mo," paliwanag ni Sabrina sabay kuha ng panibagong fries sa lalagyan.

"That's right," sang-ayon naman ni Cielo sabay palo sa kamay niya nang akmang kunin niya ang French fries na dinampot nito sa plato. "Bakit kuha ka ng kuha ng pagkain ng iba?"

"Si Martin na lang ang kunin mo," pabirong suhestiyon ni Hershey.

"Good idea!" sang-ayon ni Sabrina at nakipaghigh-five pa ito kay Hershey.

"Di ba gusto mo naman ng lalaking mukhang mabango? Hmm?" panggagatong pa ni Cielo.

"Bespren pa siya ng Kuya mo," pag-uulit na naman ni Sabrina sa sinabi niya na dahilan ng pagsalubong ng kilay niya.

"Ligawan mo na," suhestiyon naman ni Cielo.

"Single naman siya. Gwapo pa," dagdag ni Sabrina. "Mabango rin," suhol nito sabay kindat pa sa kanya.

My Wingless AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon