CHAPTER 03

66 6 21
                                    

Pagpasok sa loob ng bahay ay dumiretso si Martin sa sofa at isinuot ang T-shirt na nakasampay sa arm rest ng sofa nito. Umupo na lang siya sa pang-isahang upuan sa harapan ng binata. Binaba niya ang Tupperware sa coffee table sa pagitan nila. Pagkatapos ay ibinigay sa binata ang yellow na African daisy.

"Anong gagawin ko riyan?" tanong nito sa kanya sabay tingin sa bulaklak na iniaabot niya sa binata.

"Itanim mo," pabalang niyang sagot. Kung wala lang sakit si Martin ay hindi niya pagpapasensyahan ang kasungitan nito sa kanya. Sayang lang lahat ng ngiti na binigay niya rito kanina. Paano ba niya mababawi ang mga iyon?

"Ayoko. Puno na ng laway mo 'yan," ani Martin sa kanya.

Brittany, inhale. Exhale.

"'Yon lang ba? Aysus." Pinunasan niya ang pobreng bulaklak gamit ang kanyang suot na T-shirt. Nabali ang sangay niyon at tumingin siya sa binata. "Ayan, nabali tuloy. Ang arte mo kasi," paninisi niya sa binata habang patuloy na inaayos ang nabaling tangkay. Bibigwasan ko na talaga ang lalaking 'to. Isa na lang. Isa na lang talaga. O kaya naman maaring ang kuya na lang niya ang babalatan niya ng buhay. Tutal ito naman ang dahilan kung bakit nandito siya ngayon.

"Bakit ako ang sinisisi mo?" tanong nito sabay kuha sa bulaklak sa kamay niya. Bahagya pang sumayad ang kamay ito sa kanyang palad at tila napaso siya kahit na mabilis lang iyon. "Wala ng pag-asang umayos ang tangkay nito." Mabuti na lang at muling bumalik ang katinuan niya nang marinig ang sinabi na iyon ni Martin. Patuloy pa rin nitong pinagmamasdan ang inosenteng bulaklak.

Inangat na lang niya ang takip ng Tupperware na nasa mesa at lumipad doon ang tingin nito.

"Ano 'to?" kunot-noong tanong ng binata sa kanya.

"Sopas," maikling sagot niya. Wala na siyang balak pagpasensyahan ang praning na lalaking 'to.

"Bakit kulay pula?" 

Bwisit talaga. "Kulay-pulang sopas," aniya sabay irap. "O 'di ba? One of a kind."

Pinigilan niya ang sariling ngumiti nang makita na tila hindi nito nagustuhan ang tono ng pagsagot niya sa mga tanong nito. "Ikaw ang nagluto?" Hindi nagpapatalo na tanong ulit nito sa kanya.

"Opkors."

"Ayoko niyan."

Aba't talagang! "Ang choosy mo, ah? Kung hindi ka lang gwapo—" Nanlaki ang mga mga mata niya at talagang natigilan siya sa sinabi niyang iyon. Shit talaga! Kung maari lang niyang sabunutan ang kanyang sarili ay ginawa na niya pero mamaya na. Hindi niya gagawin iyon sa harapan ng binata. Walang hiya ka, Brittany! Huwag kang magpalinlang sa nakikita mong kagwapuhan ng nilalang na iyan, aniya sa sarili.

"Kulay-puti ang sopas, hindi pink o pula." Nakahinga siya ng maluwag nang hindi na lang pinatulan ng binata ang huling sinabi niya.

"Nilagyan ko lang ng hotdog kaya ganyan ang kulay pero masarap 'yan. Huwag ka ng mag-inarte dahil baka hindi ka makapasok sa langit."

"Sino naman ang nagsabi sayo niyan?"

"Wala. Imbento ko lang. Matalino kasi ako."

Tumayo na siya at dumiretso sa kusina na para bang matagal na niyang ginagawa iyon. Ang totoo ay gusto lang niyang makawala kahit saglit lang paningin ng binata. Kung makatingin kasi si Martin ay para siyang tinutubuan ng sungay at hindi siya sanay.

Nang bumalik siya ay nakita niyang tinititigan lang ni Martin ang sopas. Noon lang ba talaga nakakita ng pulang sopas sa buong buhay nito ang binata? Tahimik niyang inilapag ang bitbit niyang mangkok, sandok at kutsara sa mesa at muling bumalik sa kusina. Pagbalik niya sa sala ay isang baso at isang pitsel ng tubig naman ang kanyang dala. Umupo ulit siya sa harapan ni Martin at sumandok ng sopas upang ilagay sa mangkok. Iniabot niya iyon sa tahimik pa ring binata pati na rin ang kutsara. Tinanggap naman nito iyon.

My Wingless AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon