"Bakit tayo nandito?" Wala sa sariling tanong ni Brittany kay Martin. Dahil naging abala siya sa pagtitig sa mukha nito ay hindi na niya namalayan na nasa tapat na pala sila ng bahay nila.
"Dito mo tinuro 'yung tricycle."
"Ahh." Napakamot siya ng ulo. Ano na nga bang dapat niyang sabihin? "Martin." Nakabalik na ang puso niya, ramdam na niya ulit ang abnormal na tibok ng puso niya nang lingunin siya nito. "May utang ka pala sa akin." Kumunot ang noo nito sa narinig.
"Ano na naman?" tanong nito at mukha pang aburido. Ngumiti lang siya habang pinagmamasdan ito.
"'Yung ice cream."
"Wala na."
Bumagsak ang mga balikat niya, nawala ang natatanging paraan na naisip niya para makasama pa ito. Hindi pwedeng ganoon na lang. Aba, umamin na siya sarili niya kaya kailangan niyang mag-isip ng mabilis.
"Kinain mo na?"
"Oo." sagot nito. Tsk. Hindi siya pwedeng sumuko na lang basta.
"Akala ko ba akin 'yon?"
"Ako naman ang bumili." Ang suplado talaga ng mahal ko minsan.
"Inubos mo?"
"Oo." Nawawalan na talaga siya ng pag-asa.
"Bakit?"
"Masama kasi ang loob ko sayo."
Napakurap-kurap siya sa sinabi nito. Hindi niya alam ang isasagot. Now, it was his turn to smile. Napasimangot siya nang makabawi, mukhang napag-tripan siya nito.
"Just kidding." anito nang hindi pa rin siya nagsalita.
"Alin doon ang 'kidding'?" Nakasimangot pa rin siya, kailangan niyang magpakipot ng kaunti.
"The ice cream part. Nasa bahay lang 'yon." Ngumiti ito sa kanya, nalusaw na naman ang kunwa-kunwarian niyang asar dito. "Hinihintay ka." dagdag nito. Kinilig naman siya.
"Pinagti-tripan mo ako, Martin."
"Let's go." yaya sa kanya ni Martin. Nauna na itong naglakad sa kanya at sumunod lang siya sa likuran nito. Parang may kulang, hmm.
"Martin, wala bang pa-holding hands diyan? Para naman kumpleto na ang eksena nating dalawa."
Subok lang, susubukan lang talaga niya. Nandito na rin lang siya ay itotodo na niya. Tumigil ito sa paglalakad at hinarap siya. Namaywang pa ito at pwedeng mapagkamalang kalahi ni Goliath dahil sa tangkad nito. O sadyang maliit lang talaga siya? He was literally towering above her.
"Charot lang. Ikaw naman, hindi mo naman ako kailangang sindakin ng ganyan." aniya sabay ngiti ng malapad.
Kaagad siyang nakabawi nang makaramdam ng ilang at kaba dahil sa kagagahan niya. Binilisan niya ang paglalakad at nilagpasan ito. Napahinto siya sa paglalakad nang biglang may humawak sa kamay niya. Lumingon siya.
"Natakot ba kita? Sorry."
Hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. Nanatiling nakatitig ang mga mata niya sa magkahawak nilang kamay ni Martin. Martin even gently squeezed her hand and that awakened her. Ang mukha naman ng binata ang binalingan niya, hindi ito nakangiti pero nagniningning ang mga mata nito. Lumakad na ito at nagpahila na lang siya, wala pa siyang kakayahang mag-isip dahil abala pa siya sa pagdama ng init na dala ng palad ni Martin sa buong katawan niya.
Tahimik lang silang naglakad, wala ni isa man sa kanila ang bumitaw hanggang sa makarating sila sa bahay ni Martin. Nang binuksan nito ang gate ay hindi pa rin siya nito binitawan. Binitawan lang siya nito ng iginiya paupo sa bench sa front porch ng bahay nito.
BINABASA MO ANG
My Wingless Angel
Romance"I want you, not just as a friend or my best friend's sister. But as my forever." 'Kuya's best friend', iyan lang ang tingin noon ni Brittany kay Martin bago siya ipinagtanggol nito sa hinayupak niyang ex-boyfriend. Pagkatapos niyon ay naging madala...