"Wow. Talagang pumunta ka pa kahit alam mo na nandito ako, ah. Ibang klase ka talaga, Brittany. Loyal."
Lihim na nahiling ni Brittany na sana ay nagpaturo siya noon kay Cielo ng martial arts. Gusto na niyang balian ng buto ang ex-boyfriend niya na mukhang kwago. Kaya lang baka magkaroon siya ng skin cancer kapag dumikit ang palad niya sa balat nito.
Kanina ay tahimik lang silang dalawa ni Martin sa isang sulok. Iniwan lang siya nito roon upang kumuha ng kanilang maiinom. Kasalukuyan siyang nanonood ng first dance ni Kate at ng asawa nito nang lapitan siya ni Kent.
"Loyal." aniya atsaka tumango-tango. "Big word." Siya naman ang patuyang ngumiti nang makita niyang tila hindi nagustuhan ni Kent ang sinabi niyang iyon kaya naman ginatungan pa niya ang pagkaasar nito. "Sayo pa talaga nanggaling 'yan, ah? At huwag masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo dahil hindi naman ikaw ang pinunta ko rito."
Noon lang niya naaalala na kailangan pala niyang gumanti rito dahil noong nagkita sila noong nakaraan ay hindi man lang siya hinintay nitong makahirit. O ano ka ngayon, ha? Bwisit ka. Kung maaari lang niya itong belatan ay ginawa na niya.
Lumapit ng tuluyan si Kent sa kanya at hindi siya natinag sa kanyang kinatatayuan. Anong akala nito? Masisindak siya? Lalayo? Iiwas? Nunca!
"Hindi ka man lang ba nahiya? Alam mo naman na nandito ang buong angkan ko pero pumunta ka pa rin?"
Ay, ulit-ulit? Gusto sana niyang sabihin dito pero nagbago ang isip niya. May mas maganda pala siyang sasabihin.
"Ako pa talaga ang dapat mahiya? Sa palagay mo, hindi nila alam kung sino ang nagloko sa ating dalawa? Sayo na mismo nanggaling 'angkan' mo sila. Ibig sabihin lang 'non kilala ka na nila." Tumingin siya sa direksyon kung saan nakaupo ang nakasimangot na current girlfriend nito at muling ibinalik ang tingin kay Kent. "Huwag ako ang pag-aksayahan mo ng panahon. 'Yung bago mong girlfriend ang pansinin mo. Baka magpatiwakal pa 'yon, ako na naman ang sisihin mo."
Bago pa itong muling makapagsalita ay naramdaman na niya ang paghapit ng isang solidong braso sa kanyang baywang. It was Martin and he possessively drew her closer to his body.
"Stay away from my girl. You had your chance and you wasted it. Now, you don't have any business with her."
Tinalikuran na nilang dalawa ni Martin si Kent at umalis doon ng walang paalam kahit kanino. Tatawagan o kaya naman ay itetext na lang siguro niya si Kate.
"Home?" tanong ni Martin sa kanya nang nasa loob na sila ng kotse ng binata.
"Parang gusto kong kumain ng ice cream." sagot niya nang hindi tinitingnan man lang si Martin.
"May ice cream sa bahay ko." kaswal na sagot nito. Noon lang niya sinulyapan si Martin at napagtanto niyang nakatingin pala ito sa kanya habang nakangiti. Tila hinihintay nito ang magiging sagot niya.
"Anong flavor?" nakangiti ring tanong niya.
"Cookies n' cream." he answered before he started his car's engine.
NAKARATING na sila sa bahay ng binata pero hindi pa rin sila bumababa sa kotse nito. Tahimik lang silang nakatingin sa labas ng kotse. Wala pa siyang balak na umuwi. Ewan, basta gusto muna niyang makasama si Martin kahit na hindi sila magkibuan. She found comfort in silence between her and Martin. Ngayon lang niya naramdaman ang bagay na iyon na madalas niyang mabasa noon sa romance novels na nababasa niya.
Totoo pala 'yon. Kahit hindi kayo nag-uusap basta magkasama kayo na taong gusto mong makasama, ng taong pinili mong makasama, ay sapat na. Sapat na para maramdaman mong hindi ka nag-iisa. Bakit parang ang dali para sa kanya na i-explain lahat ng nararamdaman niya kapag si Martin ang pinag-uusapan? Akala niya noon, kapag may nararamdaman kang espesyal sa isang tao ay indescribable iyon. She thought she won't be able to put her feelings and emotions into words. Pero nagkamali siya.
BINABASA MO ANG
My Wingless Angel
Romance"I want you, not just as a friend or my best friend's sister. But as my forever." 'Kuya's best friend', iyan lang ang tingin noon ni Brittany kay Martin bago siya ipinagtanggol nito sa hinayupak niyang ex-boyfriend. Pagkatapos niyon ay naging madala...