CHAPTER TWENTY THREE

5.8K 112 1
                                    

EARYL'S POV

Andito kami ngayon sa isang Private island nya at masasabi ko lang na parang paraiso ito sa sobrang ganda

"Sayo ba talaga tong island na to?-tanong ko dito

"Oo naman, parang wala kang tiwala sakin"-sabi nya

"Hindi naman sa ganun, para kasing panaginip lang ako kasi parang paraiso ito"-sabi ko at timitingan ang kapaligiran

"Kasing ganda mo"-sabi nya at yumakap sa likod ko

"Parang ayoko ng umalis pa sa lugar na to"-para kasama lang kita at hindi ko kailangan magpanggap, gusto ko yung idagdag pero hindi pwede

"Gusto mo dito nalang tayo"-sabi nya kaya napatawa naman ako pero sa isip ko payag ako basta kasama lang sya

"Kung pwede lang pero hindi pwede eh parehas tayong may trabaho "-sabi ko sa kanya

"Ganito nalang promise ko sayo babalik tayo dito at yung araw na yun malinaw na ang lahat"-sabi nya at iniharap ako sa kanya

"What do you mean?"-takang tanong ko pero ngumiti lang sya

"Basta, promise ko sayo babalik tayo dito"-sabi nya gusto kong pumayag pero hindi pwede eh pinipigilan kong huwag tumulo ang luha ko at nagawa ko naman sya

"Tara na sa loob medyo mainit na eh"-sabi ko at binuhat na yung bag ko pero inagaw nya yun sakin at sya ang nagdala

"Ako na "-sabi.nya at naunang naglakad sakin papunta sa bahay na tutuluyan namin

Isa itong isla na kung saan yun lang ang nakatayong bahay  two storey sya at ang ganda may veranda din sya

Pagkapasok namin sa bahay ay inilagay muna namin ang mga gamit sa closet na nandun tinulungan nya akong itupi yung mga damit

"Paano pala ang pagkain natin dito?"-tanong sa kanya

"May care taker dito at bago tayo pumunta dito eh nagsabi na akong mag grocery sya"-sabi nya kaya tumango tango naman ako

"Napagod ako sa biyahe"-sabi nya at humiga sa kama kakatapos lang namin magtupi ng damit

"Matulog ka na dyan, magluluto lang ako ng makakain natin"-sabi ko

"Matulog nalang tayo hindi pa naman ako gutom eh, tabi ka dito"-sabi nya kaya pumunta naman ako sa tabi nya at humiga, yumakap sya sakin at yung mukha nya nasa leeg ko

"Can you sing a song for me"-sabi nya

"Baka bumagyo"-biro ko dito

"Di yan, ok lang bumagyo basta marinig ko lang boses mo"-sabi nya kaya napatawa naman ako

"Magagalit ang mga tao"-sabi ko

"Hayaan mo minsan lang maging makasarili eh"-sabi nya

"Ano bang kanta?"-tanong ko

"Ikaw bahala"-sabi nya

"Sige"-sabi ko

"Terrified Lyrics"

You by the light
Is the greatest find
In the world full wrong
You're the thing that's right
Finally made it
Through the lonely
To the other side
You said it again
My heart's in motion
Every word feels like a shooting star
I'm at the edge
Of my emotions
Watching the shadows burning in the dark
And I'm in love
And I'm terrified
For the first time
In the last time
In my only life

Kanta ko at nakatulog na sya yumakap naman ako sa kanya at natulog na din

Bukas sisimulan ko ng susulitin ang mga araw na natitira na kasama kita,

Being His Substitute WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon