EARYL'S POV
pagmulat ko ng mata ko ay bumungad ulit sa akin ang puting ceiling at ang mga boses na hindi ko inaaakalang maririnig ko
"Anak"-sabi ng dalawang tinig
Guni guni ko lang ba to o baka hindi talaga sila yun
Tumingin ako sa gilid kung saan galing ang tinig na yun at hindi ko maiwasan na hindi pumatak yung luha ko dahil andito nga sila, nandito ang parents namin
"Mom? Dad?"-takang sambit ko
"Anak, im sorry"-sabi ni mommy at akmang lalapit sya sakin ng umiwas ako at parang napahiya sya, hindi ko alam kanina gusto ko silang mayakap pero ngayon parang magkung ano sakin na gustong lumayo muna sa kanila
"Tingin ko kailangan nyo munang mag usap, tita, tito sa labas lang po kami "-sabi ni Russel at lumabas na sila kami lang tatlo ang nandito
"Anak"-tawag sa kin ni mommy
"Pwede po bang lumabas muna kayo"-malamig na sabi ko
"Huwag namang ganito kausapin mo kami ng daddy mo gusto lang namin humingi ng tawad sa iyo, sa lahat ng kasalanan namin sayo patawarin mo sana kami"-sabi nito
"Hwag po muna ngayon pls lang baka kung ano lang po ang masakit na salita ang masabi ko"-sabi ko dito
"Ayos lang yun tanggap namin yun ng daddy mo dahil alam naming sobrang laki ng kasalanan namin sayo"-sabi ni mommy si daddy naman nasa tabi lng nya
"Bakit ngayon lng?"-tumingin ako sa kanila at alam kung namumula na ang mga mata ko at kaunti na lang tutulo na ang mga luha ko
"Sorry anak ngayon lang kung ngayon lang kami naka punta dito may-"-pinutol ko ang dapat na sasabihin ni mommy
"Hindi yan ang tinatanong ko, Im asking you bakit ngayon lang kayo humihingi ng tawad, bakit ngayon nyo lng na realize sa dami ng pagkakataon mommy at daddy, bakit hindi nyo ako kilala?, bakit hindi nyo ako matandaan kung sino ako sa aming dalawa?, bakit mom, dad may palatandaan naman kaming dalawa pero bakit hindi nyo parin ako makilala sa aming dalawa mom hindi namn ako yung lumalandi eh, hindi ako yung anak nyo na may kasamang ibat ibang lalaki gabi gabi, may nagawa ba akong kasalanan sa inyo bakit ganyan kayo sakin"-hindi ko na napigilan ang sarili ko at lumuha na ako
"Anak"-tanging na sambit ni mommy at umiiyak na rin sya si daddy naman cinocomfort si mommy
"Patawad na bulag lang kami dahil akala namin ikaw yun dahil magkamukhang magkamukha kayo ng kambal mo "-sabi ni mommy
"Mom bakit yung ibang tao nalalaman nila kung sino ako sa aming dalawa bakit yung ibang tao nalalaman kaagad kung sino kami pero bakit kayo pa na magulang ko hindi nyo makita "-puno ng hinanakit ang boses ko ng sambitin ko yun
"A-"-hindi nya natuloy ang sasabihin ng may kumatok at bumukas ang pinto at pumasok si doc Castuera
"Bawal pa pong ma stress ang pasyente dahil kakagaling nya lang sa operasyon "-sabi nito
"Pero-"-angal ni mommy na pinutol naman ni dad
"Sa ibang araw nalang kami pupunta dito , anak sana mapatawad mo kami ng mommy mo handa kaming pagbayaran ang pagkukulang namin bilang magulang mo, aalis na muna kami"-sabi nito at lumabas na sila ng kwarto at mas lalo akong umiyak kung kanina pinipigilan ko ngayon hindi na dahil gusto ko syang ilabas dahil ang sakit sakit na para ano mang oras mawawalan ako ng malay dahil sa sobrang pagod na nararamdaman ko.
"Hey don't stress yourself, kakagaling mo lang sa operasyon"-sabi ni Jake
"I think I can't do it anymore, im so tired my body, mind are going to give up, I want to rest, to go somewhere, I want to think want im going to do"-sambit ko dito
"Paano sila, yung kuya mo kambal mo si Russell lahat ng nagmamahal sayo kung aalis ka nalang bigla tingin mo anong mangyayari sa kanila"-sabi nito
"Pero gusto kong mapag isa magpakalayo layo ng makapag isip ako ng tama at hindi ko yun magagawa kung andito sila"-,sabi ko
"Alam mo mas mabuting may makakasama ka ng may magpapayo sayo kung ano ang dapat mong gawin hindi lahat ng problema ay malulutas mo ng mag isa ka isipin mo yung mga taong malalapit sayo, sabihin na natin na makakapag isip ka ng tama pag magisa ka pero paano yung iniwan mo, paano sila?"-sabi ni Jake na ikinatahimik ko
Tama sya paano sila kuya lalo na si Russel siguradong mag aalala yun sakin
Kailangan kong maging maingat sa mga gagawin kong hakbang ng sa ganun walang masaktan
RUSSELL'S POV
kakaalis lang sila Tito at Tita and I think hindi naging maganda ang resulta ng paguusap nila
Hindi ko masisisi si Wife dahil sobrang sakit nga naman talaga ng pinagdanan nya
Inaantay kong lumabas si doc castuera dahil gusto ko na syang mayakap ulit at sabihin sa kanya na andito lang ako at handang tulungan sya
Pagkalabas ni Doc ay tinanguan lang ako nito at umalis na pumasok naman ako at nakita ko syang nakaupo at umiiyak
Lumapit ako sa kanya at niyakap sya
"Sshh makakasama yan sayo "-sabi ko dito
"Di ba sabi mo babalik ulit tayo sa isla"-sabi nito at tumango naman ako kahit alam kong hind nya ako nakikita
"Yes why?"-sabi ko
"Gusto kong bumalik ngayon dun, gusto ko munang magpakalayo layo, gusto ko munang mag pahinga,"-sabi nito at ramdam kong sobrang pagod na sya sa mga nangyayari
"Sige babalik tayo dun pag pwede ka ng lumabas dito pupunta agad tayo sa isla "-sabi ko dito at iniharap sya sakin at kita ko ang namumula nyang mga mata pinunasan ko ang mga luha nyang pumapatak mula sa kanyang mata
"Shh malalampasan mo rin to at isa pa andito lang ako sa tabi mo lagi at hinding hindi kita iiwan"-sabi ko dito

BINABASA MO ANG
Being His Substitute Wife
De TodoHer family never care for her nakung ituring sya ay parang hangin lang na lahat ng gawin nya ay mali para sa magulang nya but she wants their love and attention from them but all of these was given to her twin sister. Kambal nya na mabait, mapagma...