CHAPTER TWENTY FOUR

5.7K 123 0
                                    

EARYL'S POV

Pagkagising ko bumangon agad ako at pumunta sa veranda gabi na ngayon at wala ka ng makikita pa pero maririnig mo ang hampas ng alon sa dalampasigan

Napayakap ako sa sarili ko dahil sa malamig na simoy ng hangin

Pinagmamasdan ko lang ang kalangitan habang rinig ang alon ng dagat ng may biglang nagpatong sa balikat ko ng isang kumot at yumakap ito sakin

"Enjoy mo ba yung view?"-sabi nya

"Hmm"-sabi ko habang tumatango

"Ang sarap ng simoy ng hangin dito"-sabi ko humigpit naman ang yakap nya sakin

"Nagugutom ka na ba?"-tanong ko dito

"Medyo"-sabi nya kaya humarap naman ako sa kanya pero hindi pa rin nya tinatanggal ang pagkakayakap sa bewang ko

"Magluluto ako, ano bang gusto mo?"-tanong ko dito

"Hmmm, I like chicken adobo"-sabi nya kaya napatango nama. Ako

"Ok pupunta na ako sa kitchen para makapagluto na"-sabi ko at akmang aalis na sana ng higpitan pa lalo nya yung pagkakayakap sakin

"Magluluto pa ako"-sabi ko

"Yung kiss ko"-sabi nya habang naka pout namimihasa na tong lalaking ito ah

"Magluluto pa ako "-ulit ko

"Yung kiss ko nga"-sabi nya hahahahaa ang cute nya talaga kapag nakapout sya sarap nya tuloy hali- nagiging manyak na ako nahahawa ako dito sa lalaki to naku kung hindi ko lang to mahal

"Fine, saglit lang ha"-sabi ko dito tumango naman sya kaya mabilis ko syang hinalikan sa labi at aalis na sana ako ng hilahin nya ulit ako at hinalikan but this time medyo matagal na

"Sabi ko isa lang eh, namimihasa ka"-sabi ko at nag pout pero mabilis ulit nya akong hinalikan sa labi

"Nagugutom na ako tara na sa kitchen"-sabi nya at hinila ako papuntang kusina

"Maupo ka na lang dyan, ako na ang magluluto"-sabi ko sa kanya pagkarating namin sa kusina

"Gusto kong tumulong"-sabi nya

"Ako nalang please, umupo ka na lang dyan at pagsisilbihan kita"-sabi ko

"Pero-"-pinutol ko sasabihin nya

"Ako nalang ok"-sabi ko at nginitian sila at wala syang nagawa kung hind umupo

Inihanda ko na ang mga kakailanganin ko at habang naghihiwa ako ng nga ingredients tiningnan ko sya at at nakita kong nakahalumbaba ito habang nakatingin sakin kaya nginitian ko nalang ito

"Wala ba talaga akong maitutulong?"-sabi nya

"Wala kaya dyan ka nalang"-sabi ko at napa pout naman sya, ang hilig nyang magpout

"May tanong pala ako"-sabi nya at inalis yung pagkahalumbaba nya at umupo ng ayos

"Ano yun?"-sabi ko at habang hindi tumitingin sa kanya naghihiwa pa rin ako ng mga ingredients

"Kelan birthday mo? Sorry ngayon ko lang natanong"-sabi nya naalala ko dati ang sabi nya na hindi lagi silang nagsasama si Cia dahil busy ito

"Ahm sa November 4"-sabi ko na ikinatango tango naman nya

"Medyo malayo layo pa pala "-,sabi nya

"Ikaw kelan ang sayo?"-tanong ko dito

"Sa linggo"-sabi nya na ikilalaki ng mata ko at napatigil sa paghiwa

"Sa linggo na pala wala ma lang akong regalo sayo sorry"-sabi ko lumapit naman sya sakin at niyakap ako ako sa likod

"Wala yun, masaya na akong. Makasama kita sa araw na yun, dahil ikaw ang pinakamagandang regalo na natanggap ko sa buong buhay ko",sabi nya humarap naman ako dito at gumanti ng yakap

Hindi ko lubos maisip na sa araw pala ng birthday nya ako aalis

"Sorry, im so sorry ikaw rin ang pinakamagandang regalo na natanggap ko "-sabi ko

"Bakit ka humihingi ng sorry?"-sabi nya at inilayo ako sa kanya

Pero umiling lang ako

"Magluluto na ako umupo ka na dun para matapos na ako dito"-sabi ko at ipinagpatuloy na ang pagluluto

Being His Substitute WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon