q qCHAPTER THIRTY:part two

6K 110 1
                                    

EARYL'S POV

andito ako ngayon sa bus at pupunta ako ulit sa sta elena di ako tumuloy dun sa binook na flight ni  Joven dahil siguradong mahahanap agad ako ni kuya

Gusto kong magpakalayo layo na sa kanila at hindi na magpakita pa

Tinitingnan ko lang yung mga nadadaan nitong bus ng pumasok sa isip ko si Klint

Sana maging masaya sila ng kakambal ko at hindi sya dito magalit ayos lang kung sa akin sya magalit kasi maiintindihan ko naman at sana maging masaya na din sila mommy at daddy kasi hindi na nila ako makikita pa

Napangiti ako ng pilit at pumatak ang luha ko agad ko itong pinunasan

"Miss phone mo ata yung nagriring"-sabi nung katabi ko at paglingon ko ay nanlaki ang mata ko

"Mr. Esquerra?"-takang tanong ko at nanlaki ang mata din nya

"Ms. Francisco I mean Mrs. Valderey"-sabi nya ngumiti naman ako sa kanya ng pilit at umiling kumunot noo naman sya

"Hindi ako si Cia ako si Earyl kakambal nya ako at kung nagtataka ka kung bakit kita kilala eh nung panahon na nakilala kita ay nagpapanggap ako bilang kakambal ko"-sabi nya at tumango tango naman sya

"Bakit?"-sabi nya

"Mahabang kwento"-sabi ko

"Mahaba haba pa naman ang biyahe pwede mong ekwento sakin yun ay kung gusto.mo lang"-sabi nya ewan pero parang gusto kong ilabas lahat ng hinanakit ko kwenento ko lahat sa kanya at sya naman ay makinig lang sakin at hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako habang nagkekwento kaya binigyan nya ako ng panyo

"Thank you"-sbi ko at tinanggap yung panyo nabinigay nya

"Grabe naman pala yung parents mo, nagawa nila sayo yun, hindi ko alam na meron palang parents na ganun"-sabi nya

"Pero kahit ganun mahal na mahal ko sila "-sabi ko dito

"Alam ba ni Joven tungkol lahat dun?"-sabi nya

"Oo, pinipilit nya pa nga akong umalis na lang daw kami dito pero ayoko eh"-sabi ko

"San ba ang punta mo? Base kasi sa kwento mo tingin ko ay aalis ka at magpapakalayo layo ng walang nakakaalam-"sabi nya

"Sa Sta. Elena at sana wala kang pagsabihan kung nasan ako kahit kay kuya"-sabi ko

"Sinong kasama mo dun?,may kakilala ka ba dun?"-tanong nya

"Wala akong kasama o kakilala dun kaya nga gusto ko dun kasi dun lang ako malayang nakakapagpapakilala kung sino ako o kung ano ang pangalan ko"-sabi ko dito at nginitian sya

"Ikaw san ba ang punta mo?"-tanong ko dito

"Sa Daet sana ang punta ko kasi narinig ko na maganda daw yung beach dun para ding boracay pero parang mas gusto kong samahan ka nalang"-sabi nya

"Naku wag na.makakaabala pa ako sa bakasyon mo"-sabi ko.dito

"No I insist total para narin kitang nakakabatang kapatid at baka hindi rin ako makapag enjoy kakaisip sayo dahil baka mapahamak ka babae ka pa naman"-sabi nya

"And don't worry wala naman akong balak sayong masama kung yun ang iniisip mo"-sabi nya kaya napangiti naman ako

"Hindi naman sa ganun"-sabi ko

"Don't worry pwede mo akong tawaging kuya pero wag lang tatay ha"-sabi nya kaya napangiti pa.rin ako

"Sige Kuya nalang ang tawag ko sayo"-sabi ko dito thank you sa kanya hindi ako nangungulila masyado

"Yan nakangiti ka na"-sabi nya habang nakangiti rin sakin

"Salamat sayo"-sabi ko

"Inaantok ka na ba, gusto mo ipatong yung ulo mo sa balikat ko"-sabi nya at ginawa ko naman nakaramdam ako ng antok at unti unting pumikit ang mata ko

'sana makita pa kita ulit Klint kahit makita lang ayos na ako dun and Happy Birthday sayo gusto sana kitang makasama sa araw nato pero baka kasi si Cia ang gusto mong makasama eh sorry kung naging selfish ako kasi hiniling ko na sana maging akin ka nalang'sabi ko sa isip ko at tuluyan ng pumikit ang mata ko

Being His Substitute WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon