CHAPTER FIFTY

7K 102 3
                                    

RUSSEL'S POV

"Ang ganda talaga dito kung pwede lang dito nalang ako hanggang tumanda"-nakangiting sambit nya habang nakatingin sa malawak at asul na karagatan. Pumunta ako sa likuran nya at niyakap sya pa talikod at ipinatong ko ang baba ko sa balikat nya

"Pwede namang dito nalang tayo ah"-sabi ko dito habang nasa ganuong posisyon pa rin

"Baliw ka talaga, paano naman yung mga naiwan natin?"-sabi nya at humarap sakin

"Hey! Ang seryoso mo naman nagbibiro lang ako"-sabi nya at natawa

"Hahahaha asar ka nanaman, lika nga dito"-sabi ko at hinila sya at niyakap

"Wag ka ng magtampo ok, andito tayo para magsaya kaya smile ka na dyan"-sabi ko at hinarap sya

"I love you wifey ko"-sabi ko pero hindi sya sumagot

"Sagotin mo din, hoy"-sabi ko

"Kailangan pa ba yun"-sabi nya

"Syempre dali na"-pangunglit ko

"Paano kung ayoko"-sabi nya habang nakangisi

"Di mo na ako lab?"-sabi ko habang nakapout yeah nakakabakla man pero wala eh handa akonv gawin lahat para sa kanya

"Hahaha para kang bata"-sabi nya habang tumatawa

"Mali pala hahaha hindi ka parang bata, para kang bakla hahahaha "-sabi na at napaseryoso ako hahaha tingnan natin ngayon kung sino ang bakla

"Bakla pala ha tingnan natin ngayon"-sabi ko ng nakangisi at napatigil naman sya sa pagtawa

"Joke lang to naman ang seryoso mo"-sabi nya at alanganing tumawa haahahaha mukha effective

"Wifey?, gusto mong subukan kung bakla ba talaga ako"-nakangisi kong sabi at nanlaki naman ang mata nya

"Hehehe hubby wala namang ganyanan"-sabi nya hahaha gusto ko mg matawa

"Sakto walang ibang taong nandiyo wife walang iistorbo satin "-sabi ko at unti unti ng lumalapit sya naman ay umaatras

"Lalaking lalaki kaya hubby ang gan- este ang gwapo mo kaya"-sabi nya habang umaatras at yung kamay nya ay parang itinutulak ako palayo

"Tutal mag asawa naman tayo kaya hindi masamang gawin yun saka pwedeng honeymoon na rin na tin to"-sabi ko at patuloy paring lumalapit

"Nakakaaduwa ka na hubby "-sabi nya hahaha grabe ako pa yung nakakaaduwa hahaa

"Ah ganun "-sabi ko at tumawa naman sya binilisan ko ang paglapit sa kanya pero tumakbo na ito

"Lagot ka pagnahabol kita"-sabi ko

"KUNG makakahabol ka hahahah"-sabi nya at tumakbo pa ng papalayo

"Pagnahabol talaga kita humanda.ka"-sigaw ko at hinabol sya

Tawanan lang at kulitan ang maririnig mo samin

FASTFORWARD

"Nakakapagod"-sambit nya at umupo sa buhanginan kaya tumabi ako sa kanya at umupo rin sa buhanginan at parehas kaming nakatanaw sa araw na papalubog na

"Sana di na to matapos"-sabi nya at nagbuntong hininga habang nakatingin pa rin sa papalubog na araw

"Pero kailangan mo pa ring harapin ang lahat, alam kong malaki ang naging kasalanan nila tita  sayo pero parents mo pa rin sila Wifey and thankful pa nga ako sa kanila eh dahil kung hindi dahil sa kanila wala ka dito sa tabi ko ngayon, hindi ko makikilala ang pinakamamahal kong babae"-sabi ko habang nakaharap sa kanya at humarap din ito sakin at nakita kong may luhang pumatak galing sa mata nya

"At magalit ka man sakin ok lang pero masaya ako na nangyari sayo yun dahil kung hindi baka hindi kita nakilala pa ide sana wala ka dito sa tabi ko wala ang babaeng mahal ko ngayon "-sabi ko

"Mahal na mahal kita Earyl Jane Francisco - Valderey, will you marry me again this time alam ko ng ikaw yan"-sabi ko at lumuhod sa harapan nya at inilabas ang sing sing na kanina pang nasa bulsa ko ewan pero natatakot ako  na baka ereject nya ako kahit alam kong mahal nya rin ako kaya nakayuko lang ako

Hinintay ko syang magsalita pero wala akong narinig na boses nya kaya lalo akong kinabahan at tumingin sa kanya at nakita kong tuloy tuloy ang umaagos na luha sa mata

"Hey? Why are crying? Nagulat ba kita, sorry wifey alam kong nabigla ka hindi mo naman kailangang sagutin agad eh "-sabi ko habang naka hawak sa mukha nya at pinupunasan ang luha nya, umiling iling naman sya habang umiiyak pa rin kaya lalo akong nakaramdam ng kaba

"No"-sambit nya at parang akong natigilan dun at sumikip bigla yun dib dib ko

"Ok lang"-sabi ko ng nakangiti sa kanya kahit nasasaktan ako ngayon

"No I mean mahal na mahal kita Russel Klint Valderey kaya bakit ko pa pagiisipan na pakasalan ka"-sabi nya habang nakangiti at yung sakit na naramdaman ko kanina ay parang naging bula at biglang naglaho

"Totoo ba to?, akala ko talaga hindi mo ako ngayon sasagutin"-sabi ko at niyakap sya

"Mahal na mahal kita hubby at handa akong pakasalan ka"-sabi nito at bigla akong hinalikan sa labi pero saglit lang at ngumiti sa akin

Sinuot ko naman sa kanya yung sing sing at hinalikan din sya sa labi

"Mahal na mahal din kita Wifey at handa akong pakasalan ka kahit ilang beses pa at kahit saan pang simbahan"-sabi ko at muli syang hinalikan sa labi  kasabay ng paglubog ng araw

Being His Substitute WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon