CHAPTER TWENTY SEVEN

5.8K 112 0
                                    

RUSSEL'S POV

4 days na kami dito sa Isla and we only have 3 para nag stay dito ewan ko pero parang bumibigat ang pakiramdam ko pag naiisip ko na uuwi na kami, at nitong mga nakaraang araw naninibago ako kay Earyl kasi masyado syang sweet sakin hindi sa ayaw ko pero parang may mali eh

"Hey, anong iniisip mo?"-sabi nya at yumakap sa likuran ko andito kasi ako ngayon sa veranda

"Wala naman iniisip ko lang kung ilan ba ang magiging anak natin pagdating ng araw"-biro ko dito

"Baliw ka talaga"-sabi nya at bumitaw mula sa pagkakayakap sakin at tumayo din sa tabi ko at tumingin sa tanawin

"Hahahahaha, anong gusto mong gawin natin ngayon?"-tanong ko dito at ako na yung yumakap sa likod nya at pinatong ko yung baba ko sa balikat nya

"Ahmm"-sya at inilagay sa sintido nya yung hintuturo nya kaya napangiti nalang ako

"Wala eh gusto ko dito lang tayo"-sabi nya hinigpitan ko naman ang pagkakayakap sa kanya

"Gawa nalang tayo ng baby"-biro ko dito

"Baliw, sira ka talaga"- sabi nya at umalis sa pagkakayakap ko

"Bakit? Dapat sinisimulan na natin yun hindi tayo bumabata kaya kailangan na nating gumawa ng baby"-sabi ko dito at pinipigilan ang tawa

"Ewan ko sayo, gumawa ka magsulo"-sabi nya at pumunta sa may kwarto

"Yieehh kunwari ka pa mahal eh paayaw ayaw ka pero ngayon na uuna na ka dyan, gusto din"-sabi ko at tumawa

"Ewan ko sayo bahala ka dyan"-sabi nya at lumabas ng kwarto namin

"Love hindi ko to kayang mag isa kailangan kita"-sigaw ko dito at tumawa ang cute nya kasing asarin lalo na pagnamumula na yung mukha nya

Hindi ako sa kanya sumunod pumunta muna ako sa bathroom at naligo

EARYL'S POV

Pulang pula ang mukha ko pagkalabas ko ng kwarto namin dahil sa kalukuhan nya, pumunta ako sa kitchen para uminom ng tubig at pagbukas ko ng ice cream ay saktong nakakita ako ng ice cream dun at mukhang di pa ito nababawasan , nagcrave naman ako kaya kinuha ko ito at kumuha rin ako ng spoon atsaka pumunta ako sa mesa para kainin ito.

Pagkatapos kung kumain ay iniligpit ko rin yung pinagkainan ko yung tirang ice cream ay inilagay ko ulit din sa ref atsaka ako bumalik sa kwarto

Pagkapasok ko ay nakita ko syang nagpapatuyo ng buhok gamit yung towel, lumapit naman ako dito at kinuha ko yung towel mula sa kanya at umupo ako sa tabi nya

"Ako na"-sabi ko ngumiti naman sya sakin kaya ako na ang nagpatuyo ng buhok nya at dahil mas mataas sya sakin ay lumuhod ako sa harap nya  atsaka ko pinatuyo buhok nya at habang ginagawa ko yun ay nakatitig lang ito sakin hanggang dib dib ko lang sya kasi nakaluhod ako sa kama

"Ahmm ano- bukas pwede mo ba akong ilibot dito sa buong isla"-sabi ko para may matopic naiilang kasi ako sa mga titig nya

"Sure"-sabi nya habang nakatingin pa rin sa mukha ko kaya napakagat labi ako at pinagpatuloy ko yung pagtutuyo ng buhok nya

Pero napatigil ako ng bigla nyang ilagay yung mga kamay nya sa bewang ko at nakita ko bumaba ng tingin nya sa labi ko at nakita ko ring gumalaw ang Adam's apple nya tanda ng paglunok nya kaya napatingin naman ako sa mga mata nya at hindi ko namalayan na unti unti na palang lumalapit ang mukha nya sa mukha ko hanggang maglapat ang mga labi namin

Being His Substitute WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon