KINAUMAGAHAN gaya ng sabi ni Clark sa mag Tiya na puwede silang hindi sila mag bukas muna. Kung kayat kampateng naglilinis ng bahay si Emily. At hinayaan ang pamangkin na matulog. Pero dahil sanay si Tamara na magising ng maaga.
"Tiya, ako na po diyan."
"Kay aga mo naman, Tamara. Matulog ka ulit kung gusto mo."
"Tiya, ganitong oras naman tayo nagigising diba?"
"Oo, pero hindi naman tayo mag bubukas ngayon. Day off ba."
Napangiti si Tamara ngayon lang ginawa ng Tiya ito.
"Day off? Kung ganu'n lalabas tayo, Tiya?"
"Puwede rin. Saan mo ba gustong pumunta ha?"
Napaisip si Tamara matagal na rin siyang hindi namamasyal mula ng tumutulong siya sa puwesto ng Tiyahin.
"Tiya, sa MOA."
"Oh siya, para makabili tayo ng damit mo."
"Tulungan na kita Tiya, para mabilis matapos."
"Mabuti pa nga."
Masiglang nagtulong ang mag Tiya sa paglilinis sa araw na iyon.
Sa umaga rin iyon dumalaw ang Ina Clark sa kanya."CLARK, hijo. May pupuntahan ka ba ngayon?"
"This afternoon wala. Pero tonight may gala party akong dadaluhan why, Mommy?"
"Okay good, puwede ka pala ngayon," naging maaliwalas ang mukha ng ginang.
"Puwede saan ba, Mommy?" gustong kumunot ang noo ni Clark, pero ayaw niyang ipakita sa ina.
"Ano pa ba, shopping hijo. Please come with me ngayon lang naman ito diba? Kahit kailan hindi pa kita nakasama mag window shopping."
Gustong magpahinga ni Clark, dahil mamaya may party nga pero hindi naman siya makatangi sa Ina gaya ng sabi nito ngayon lang humiling na samahan ito.
"Okay Mommy, saan ba tayo?"
"Oh, thank you my son. I'm so lucky today, because I have handsome driver and bodyguard," biro nito.
"Oh yeah, I am proud to be your driver and bodyguard today, my beautiful mother!"
"Oh, nangbola ka pa, hijo," makikita sa mukha ng Ina ni Clark ang saya.
"I'm not, Mommy. Sabi mo nga handsome ako, saan pa ba ako magmamana to you right?"
"Whatever hijo. So, tara na!"
Gusto pa sanang palitan ni Clark ang damit. Naka kaki pants at white t-shirt lamang siya. Sa nakikita niya sa Ina na ready na."Sure, Mommy." kanyang tugon.
MALL OF ASIA.
Makikita sa mukha ni Tamara ang saya. Tila bata na napagbigyan sa gusto.
"May nakita ka na bang nagustuhan mo, Tamara?"
"Tiya, ang mamahal naman pala ng mga damit."
"Saan mo naman gusto sa ukay-ukay! Puwede sige mura doon."
"Okay naman ang ukay-ukay Tiya, maganda rin."
"Sus, sige na tumingin ka na, para pagniyaya ka ni Clark. May maisusuot ka, teka diba pinaalam ka na niya mamayang gabi isasama ka sa party?"
"Opo, Tiya."
"Ganu'n naman pala, ano pa ang hinihintay mo hala, pumili ka na," pagtataboy niya sa pamangkin.
"Sige po Tiya, hahanap ako ng mura lang."
Napailing si Emily sa sinabi ng pamangkin."Oh siya, ikaw ang bahala. Doon muna ako sa mga sapatos, pagtapos ka na sumunod ka ha."
BINABASA MO ANG
The Sweet Taste Of Love
RomanceCLARK, a man with everything higit sa lahat babaero. But he want to be father, ang kaso lahat ng babaeng nasisipingan hindi siya makabuo. Ano pa ba ang kulang? Hindi naman mahina ang kanyang sperm. Ang payo ng kanyan doctor. He must find a woman iy...