Finale

6.4K 140 20
                                    

KINABUKASAN alas-singko palang gising na si Tamara para mag linis sa pagdating nila Clark.

"Oh, Tamara. Anong meron kay aga pa ah, nag lilinis kana?"

Hininto ni Tamara ang ginagawa hinarap ang tiyahin.

"Tiya, may sasabihin po ako!"

"Sige, ano ba iyan, ha?"

"Tiya, kasi si Clark. Tumawag kagabi..."

"Tumawag? Diba may kasama kayo buong gabi? May nakaligtaan ba siyang sabihin sa iyo? O, nag goodnight lang at nag I love you!"

"Tiya, may sinabi po siya sa akin."

"Oh, sabihin mo na."

"Tiya, okay lang sa iyo n mamanhikan sila ngayon?"

Mariing napatitig ang tiyahin sa dalaga. Kinabahan naman si Tamara na baka tututol ito sa mangyayari.

"Mahal mo ba siya ha, Tamara?"

"Opo tiya, kahit na mabilis ang pangyayari sa amin. Mahal ko si Clark!"

"Eh, sino ba naman ako para tumutol kung mag pakasal na kayo, hindi ka naman yayayain ni Clark na pakasalan siya kung hindi kaniya mahal. Hangad ko ang kaligayahan mo, Tamara."

Niyakap ni Tamara ang tiya."Salamat po," aniya.

"Oh, siya tutulungan na kitang maglinis. Anong oras ba sila pupunta rito?"

"Bago po magtanghalian, tiya."

"Kung ganun pagkatapos nating maglinis mamamalengke na ako. At magluto ng ihaharap nating sa kanila, dapat espesyal ito iluluto ang akin best recipe."

"Tiya, salamat talaga, ha," naluluhang masasalamat ni Tamara.

"Naku ang batang ito oh, wala iyon ano pa ang ginagawa nating ready to rambo na!" Masayang anito.

Nag tulungan ang mag-tiya sa gawain bahay ng  patapos na sinabihan ni Tamara ang tiya na mamalengke na siya na ang tatapos sa lahat. Agaran naman nabtungo sa pamilihan ang tiya.

Pag kauwi nito nagtulungan din silang naghanda sa lulutuin nila.

ALAS DIYES pa lamang nakahanda si Clark. He's so excited sa araw na ito makikita naman sa kanyang mata na parang star na kumikinang pa.

"Mommy, daddy, are you ready?" Turan niya habang pababa sa hagdan.

"We are ready, hijo kanina pa ikaw na lang ang hinihintay namin."

"Hmmm, I though I am the excited one. Pero lalo pala kayo mommy, daddy!"

"Well yes, we are so excited sa magiging apo namin!" Ngiting-ngiti ang ina ni Clark.

"I am too, mommy. I cannot wait to see my son and daughter."

"Naibaon mo na ba, hijo?" Nanunudyo ang tinig ng ginang.

"Mommy no, itatanin palang pagkatapos ng kasal namin!"

"Hmmm, that may son a good man!"

"Enough talking now nakarami na tayo tara na," anyaya ng ginang.

Masayang lumabas sa tahanan nila ang mag-anak.

"TAMARA, ako na rito maligo ka na patapos na rin itong huling niluluto ko."

"Sige po tiya. Ikaw rin ha."

"Oo sige na mag ayos ka nang mabuti, ha."

Ngiti ang tugon ni Tamara sa tiya.

Mabilis ang naging kilos ni Tamara, sobrang excited rin siya. Hindi niya akalain na magiging misis Generoso na siya soon.

Simple lang siya sa kanyang suot na bistida at no make up polbo lang.

The   Sweet Taste Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon